SINABI NG AKIN KA C20
"GUSTO KITA, Matagal na kitang minamahal Hope. Nagpapapansin lang ako sayo kapag inaasar kita. Bakit ako palaging nasa harapan nang bahay nyo?... Sa umaga, sa hapon, at sa gabi, dahil gusto kitang makita. Masaya ako kapag nakikita ka at naririnig ang boses mo. Ngayon ay lakas loob na pormal na akong pumapanhik ng ligaw sayo Hope."
"L-leon, a-ano kasi.....may boyfriend na ako. Kaya hindi na ako pwedeng magpaligaw. S-Sana ay naiintindihan mo...Marami pa naman diyan ma's higit pa sa kagandahan ko 'di ba?. Isa pa, sa tagal mo nang nagpapansin sa akin ay talagang hindi kita makita. Hindi naman malabo ang mga mata ko. Alam mo kong ano ang malabo?..ang puso ko. Kasi nakikita ko naman na gwapo ka, matalino at gaya nga ng sinasabi sa akin ng mga kuya's ko ay mabait kang tao...Leon, sorry talaga, pero seguro friend na lang tayo pwede ba?"
Natahimik si Leon, alam ni Hope na binigo niya eto at natural lamang na nasaktan eto. Ilang minuto ang naging katahimikan bago muling nagsalita si Leon.
"Naiiintindihan ko. Kong sakaling saktan ka niya....nandirito lang ako maghahantay sayo. Hope, gusto ko lang malaman mo na hindi ko isusuko ang pagibig ko sayo. Mahal na mahal kita at papatunayan ko iyan sayo....Sige aalis na ako." Laglag ang balikat ni Leon na hindi makatingin sa dalaga.
Tumayo mula sa pagkakaupo at tinalikuran na ni Leon si Hope. Naiwan si Hope na naawa sa lalaki. First time niya etong gawin ang manakit ng damdamin ng isang lalaki. Grabe din kaya ang dagundong ng kaniyang dibdib. Buti na lamang at nairaos niya ang pangbabasted.
"Sorry talaga Leon. Ma's mabuting maging tapat ako sayo ngayon, kahit na ang magiging kapalit nito ay malaman ng mga kuya ko ang sikreto ko."
Magkasunod na nagsipasukan ang mga kapatid ni Hope. Mukhang malalagot siya ng 'di oras.
"Totoo bang may Boyfriend ka na?" Tanong ni Philip na dilat na dilat ang mga mata.
"Kaylan pa? May boyfriend ka na pala bakit hindi ka nagsasabi sa amin? Hindi ka naman namin pinipigilang mag boyfriend hindi ba? Katunayan nga palagi kaming nagtatanong sayo? Ano 'to Hope?" Salubong ang kilay na tanong naman ni Fortune.
Si Winston tahimik lang na naka-upo sa gilid nang sala nakamasid sa mag kapatid...Parang isang judge sa piskalya na nakikinig mona bago magbigay ng hatol.
"Oo may boyfriend na ako. Kaya huwag nyo ng ilakad sa akin si Leon. Mahal ko ang boyfriend ko at siya lamang ang gusto kong mapangasawa."
"Eh, bakit hindi mo dalhin dito, ipakilala mo sa 'min. Bakit pangit ba? May kapansanan?"
"Kuya Philip ah, grabe ka naman."
"Eh bakit nga inilihim mo sa amin na may nobyo ka na pala?"
"K-kasi...ano LDR kami. Yes mga Kuya's, nasa ibang bansa sya nagtratrabaho....kaya paano ko siya dadalhin dito sa bahay para ipakilala sa inyo he, wala nga sya dito...at syempre naman ipapakilala ko rin naman talaga siya sa inyo pwe-pwede bang hindi..relax lang mona kayo 'dyan."
"Ahhh, kaya pala." Nagkasabay pa na sabi ni philip at fortune."
Tumayo si Winston nang walang sinasabi, at umakyat na eto sa ikalawang palapag ng bahay. Sumunod na din si Hope, baka kasi kong ano-ano pa ang usisain ng dalawa. Nang makapasok sa sariling silid ay doon lamang siya nakahinga ng maluwag.
Sino ba naman kasi ang ayaw ipakilala ang boyfriend sa pamilya 'no. Ang kaso nga isang Mafia ang nobyo mo. Paano mo nga naman eto maipagmamalaki. Ngayon ay unti-unting naiintindihan na ni Hope ang kaniyang pinasok. Hindi eto magiging madali. Pero buo ang loob niya na kahit anong mangyari, tumutol man ang mga kapatid niya ay ipaglalaban niya si Ryo. Ganito naman talaga ang personalidad ni Hope, matapang, at buo ang loob. Kong ano ang napagdesesyunan ay pinaninindigan.
Hawak ni Hope ang kaniyang cellphone, nagaagaw ang kaniyang isipan kong maiinis, uunawain at nakakaramdam siya nang pag-aalala kay Ryo. Wala parin kasi etong message sa kaniya o tawagan man lang. Napakarami na niyang text at voice messages sa lalaki pero ni isa ay walang sagot eto.
Madako naman tayo kong saan naroroon ngayon si Ryo. Nakikipag p*****n siya sa mga oras na eto. Siya at sampu ng kaniyang mga tauhan. Sa isang lumang warehouse sa lugar ng pampanga ay sinusubukan nilang sagipin si Black lily.
Katatapos lamang nila Ryo sa isang paghanting sa taong nagpasabog ng isa niyang warehouse. Kaya nagpaalam eto noon kay Hope na mawawala eto ng isang lingo. Pauwi na sana sila sa mansion ng makatanggap siya nang secret files mula kay black lily. Mga ilang segundo lang ang pagitan ng magsend eto ng signal na HELP, at pagkatapos ay hindi na eto komontak..
Nahuli na pala kasi etong nag-iispiya sa sindikatong kinabibilangan ni Black lily, ang black scorpion. Nahuli siya sa aktong nagsesend ng mga importanteng dokumento na kinuha niya sa files sa computer. Hindi niya kasi sukat akalain na ang simpleng turnilyo sa silid ng boss niya ay cctv pala.( Screw spy camera).
Nagawang malaman ng kampo ni Ryo na si Black lily ay nanganganib at kong nasaan eto. Ang suot kasi nitong simpleng hikaw ay may tracking device.
Kabilaan ang putukan at labanan ng dalawang kampo. Kasalukuyang nakikipagtagisan ng lakas si Ryo sa isang lalaki at may hawak etong rambo knife. Ilag dito , ilag doon ang tanging nagagawa niya. Naghahanap siya ng tamang tyempo upang mapatumba niya eto. Ngunit bihasa ang kalaban sa paggamit ng kaniyang armas kaya naman nahagip ang tagiliran ni Ryo.
Ngumisi ang kalaban dahil nakita niyang natamaan niya si Ryo. Tagilid na si Ryo kong pagmamasdan dahil mabilis na tumatagas ang dugo niya sa kaniyang suot na damit. Nagpalinga-linga siya, naghahangad na may makatulong siyang kaniyang tauhan. Ngunit bigo sya. Tulad niya ay may kanya-kanya din silang mga kalaban. Wala siya ngayon aasahan kong hindi ang kaniyang sarili.
Nag-concentrate siya huminga ng malalim at hinantay na muling lumapit ang kaniyang kalaban. Nang muli siya nitong susugurin ng patalim nitong hawak ay buong bilis siyang umiwas at dumulas sa tempo ng kalaban. Napunta siya sa likuran nito at mabilis na sinipa ang likurang tuhod ng kalaban.
Wala siyang sinayang na sandali ng matumba eto sa sahig. Dahil agad niya etong tinira sa likod sa batok gamit ang kaniyang paa. Medyo may kabigatan at makapal pa naman ang sapatos niya, kaya seguradong bali ang leeg ng kaniyang kalaban. Dalawang beses niya etong ginawa pero ang panghuli ay talagang sinadya niyang diinan upang masegurong patay eto. Nasugatan man siya nito ng patalim ay naka-bawi naman siya.
Ka-agad niyang tinulungan ang iba pa niyang mga kasama at pinuntahan nila ang kinaroroonan ni black lily. Nakita naman nila eto pero huli na. Nakakaawa ang sinapit nito wala etong suot na anumang saplot habang naka-bitin. Lapnos ang buong katawan na parang binuhusan ng kumukulong mantika. Bali ang mga daliri at sinungkit ang mga mata.
"FUCKKKKK!!!!" Ang malakas na sigaw ni Ryo. Kuyom ang mga kamao at nagtatagis ang mga ngipin.
"Ipinapangako ko sayo black lily, igaganti kita. Kong ano man ang ginawa nila sa'yo ay gagawin ko din sa mga hayop na 'yon....mamahinga ka na...'wag kang mag-alala sa kapatid mo, proprotektahan ko siya at susuklian ko ang buhay na ibinuwis mo...salamat sa nagawa mo para sa akin, malaking tulong ang lahat ng impormasyon na naibigay mo."
Naibaba na si Black lily buhat sa pagkakabitin sa kanya. Awang-awa ang lahat at halos mapa-ngiwi sila sa nakikitang kalunos-lunos na sinapit ng babae. Halos lahat sila ay gustong ipaghigante si black lily. Lalo't batid nilang hindi kagustuhan nito ang maging hired killer na gamit ang katawan. Hindi rin nito kagustuhang mapasama sa sindikatong black scorpion. Ebenenta lamang siya ng kaniyang step father sa sindikatong eto pagkatapos din siyang pagsamantalahan.
"Boss, kailangan ka nang magamot... 'yang sugat mo." Ang nangangambang wika ni Rambo.
" Halughugin ang buong paligid at seguraduhing malinis ( Ang ibig niyang sabihin ay walang maiiwang ebedensya na makakapagturo sa kanila.) Tinapik ni Ryo ang balikat ni Rambo tanda nang inihahabilin nito sa kanya ang dapat gawin.
Nauna nang umalis si Ryo, kasama ang iba niyang mga tauhan. Dala ang mga katawang nasawi ng kanilang mga kasamahan sa misyon na iyon at ang bangkay ni Black Lily..
Nasa loob si Hope ngayon ng NICU(Neonatal Intensive Care Unit) na kong saan ay abala siya sa kaniyang bagong posisyon ngayon bilang nurse ng mga bagong silang na sanggol.
Nakalimutan ni Hope pansamantala ang kaniyang pagiisip kay Ryo. Aliw na aliw siya sa mga mala anghel na sanggol na naroroon sa loob ng nursery room na 'yon. Ang mga iyak nila ay tila magandang musika sa kaniyang pandinig. Kasalukuyan siyang nagpapalit ng pampers ng sanggol na lalaki dahil umiiyak eto kasi umihi siya. Katatapos lang din niyang magpalit sa isang batang babaeng sanggol.
"Ikaw ha baby Junior ang arte-arte mo, dinaig mo pa si baby girl na katabi mo sa kanan mo. Ikaw ihi lang iyak ka na ng iyak. Samantalang si baby girl kahit nag popo na siya 'di siya umiyak. Tingnan mo sila kambal nagising dahil sa iyak mo. Two day old ka palang pero ang lakas na ng iyak mo. Ano ka ba paglaki ha? Singer ka ba? " Ang magiliw niyang pakikipagusap sa mga sanggol.
Naramdaman ni Hope na nagba-vibrate ang kaniyang cellphone sa bulsa. Ka-agad niya etong kinuha. Halos lumundag ang kaniyang puso sa tuwa ng makita ang pangalan ma rumehestro sa screen. Bebeko. Lumayo mona si Hope sa mga sanggol.
"Hello!"
"Hope, nasa labas si Roque, sumama ka sa kanya at dadalhin ka niya sa akin. Kilala mo siya hindi ba?."
"Oo, kilala ko siya. Sige pa-out narin naman ako. Bakit ngayon ka lang nagparamdam?"
"Pagdating mo na lang dito tayo magusap..Hihintayin kita."
Pagkababa ng cellphone ay ang oras agad ang kaniyang tiningnan. May ilang minuto pa ang natitira bago siya mag-out. Maluha-luha si Hope sa subrang saya magkikita na ulit sila ni Ryo. Halos dalawang lingo silang hindi nagkita at talagang bago din sa pakiramdam iyon ni Hope. Ang makaramdam nang labis na pananabik sa kasintahan.
Nagmamadaling nagpalit ng damit na kaswal si Hope. Jogger pants na black at white t-shirt. Ganon naman siya palagi nagpapalit ng damit pagtapos ng kaniyang trabaho. Pagkalabas ng hospital ay hinanap agad ng kaniyang mga mata si Roque. Pero hindi na kailangan pang hanapin eto dahil pumarada na sa kaniyang harapan ang isang kotseng itim at bumaba si Roque upang mag bow mona sa kanya at pagbuksan siya nito ng pintuan.
Walang lingon-lingon na pumasok ng mabilis sa loob ng sasakyan ang dalaga. Dalawang lalaki ang kasama niya sa loob na nakaupo sa front seat. Si Roque nga at ang driver na ngayon lang niya nakita.
Dinala siya ni Roque sa isang condo building na ngayon lang niya napuntahan. Hindi rin eto basta-bastang ordinaryong condo lang. Lobby palang ay parang pang five star hotel na at istrikto to the max ang mga guwardiya. Napansin kasi ni Hope ng pumasok sila sa loob ng condo building na 'yon. Idagdag pa ang mga mamahaling mga sasakyan sa labas na kaniyang nakita..