CHAPTER 6

1829 Words
"PUTANG-INA! yang boyfriend mo ha Margoux. Hindi ako marunong magmura pero putang-ina nya talagang hayop siya. Pagkatapos kang buntisin ng Mike na yan, sasabihin niyang__ Sa kanya ba 'yan at Ipalag-lag na lang tutal nurse ka naman. Sira ulo siya ha nang-gigil ako!. Halika puntahan natin. Asan ba 'yang gagong yan at hindi pwe-pwedeng ganyan lang." Ang galit na galit na wika ni Hope. Katatapos lamang ng shift nya sa Hospital ng tawagan siya ng kaibigan na si Margoux. Umiiyak eto at nakikiusap na samahan siya at sunduin. Kaya naman nagmamadali siyang pinuntahan ang kaibigan. Naabutan naman niya etong pulang-pula ang mukha at maga na ang mga mata sa kakaiyak. Nasa loob eto ng kanyang sasakyan at nasa hopeless na kalagayan. Nang makita siya ay agad siya nitong niyakap at nagsumbong sa nangyari sa kanya kanina lamang. Naging magkasundo silang dalawa dahil parehas silang nag-iisang babae sa pamilya. Pero mas maswerte si Hope dahil may mga kapatid eto. Samantalang si Margoux ay solong anak at isang single mother ang jangling Ina. "Hu!hu!hu! Hope anong gagawin ko ngayon hu!hu!hu!. Ano na lang ang sasabihin ko kay Momy." "Gaga ka. Anong gagawin mo eh 'di Wala. Isipin mo ang sarili mo at ang baby mo sa tyan mo. Eh, ano ngayon kong hindi ka niya panagutan, bakit katapusan na ba ng mundo? Maraming lalaki diyan na nagkalat sa tabi-tabi na mas higit pa sa kanya. Mauunawaan ka 'non dahil Momy mo 'yon anak ka nya. Iyon nga lamang asahan mo na na sasama talaga ang loob nya. Pero Margoux , nangyari na hindi na pwedwng erewind. Pinasok mo labasan mo. Naiintindihan mo ba? Be brave kaya mo 'yan. "Alam ko naman iyon. Pero nasaktan lang talaga ako ng subra sa mga sinabi niya sa akin. At harap-harapan niya akong ipinahiya at ipinagtulakan sa harap ng bago niyang girlfriend at mga kaibigan. Ang sabi niya sa akin sa mga kaibigan niya na baka daw may gustong sumalo sa akin na pinagsawaan na nya. Napaka- walang hiya niyang lalaki Hope, kinamumuhian ko siya. Hindi pa ba sapat na lokohin at paglaruan niya ako. Kailangan pa bang insultuhin niya ang pagkatao ko ng ganito. Pinagsisihan kong nakilala ko siya at minahal, hu!hu!hu!" "Alam mo ba kong saan siya tumatambay sila ng mga kaibigan nya?" "Oo, sa isang bilyaran pag-aari ng kaibigan ni Mike, malapit lang dito." "Pwes, ipapakita ko sa gago mong boyfriend ko sino siya. Sandali lang may tatawagan lang ako." Lumabas ng kotse si Hope, kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pants. "Hello! "Hubby, please help me. Madali ka kong gusto mo pa akong makitang buhay." "Hello, Hello,Hope?" Pagkatapos e-end call ni Hope ang tawag niya kay Ryo, ay inayos niya ang location at esenend dito para makita eto ni Ryo, at bumalik na ulit sa loob ng sasakyan. "Kaya mo bang mag-drive margoux?" Ang tanong niya sa kaibigan at tumango naman eto. " Dalhin mo ako sa bilyaran na yan ngayon din." "Ha?" "Basta, sige na akong bahala sagot kita. " Atubili man pero sinunod naman ni Margoux si Hope. Sa lahat ng kanyang mga naging kaibigan si Hope lang ang alam niyang matapang at maasahan. Siya ang tipong pwede mong mapagsabihan ng problema na wala kang aalalahanin na ano pa mang bagay. Iyong tipong hindi ka mahihiya kasi ramdam mo na totoo siya sayo. Kaya nga sa mga kaibigan niya si Hope ang kanyang tinawagan para damayan sya ngayon. Habang binabagtas ang daan patungo sa hideout ng boyfriend ni Margoux na si Mike ay nakatutok lang ang mga mata ni Hope sa kanyang cellphone. Nakangiti siya habang may pinagmamasdan dito. "Hope, andito na tayo." Ang sabi ni Margoux kaya napilitang mapatingin si Hope dito. Lumingon-lingon mona sa tabi-tabi, tinatanaw ang labas bago hinarap ang kaibigan. "Dyan na ba Margoux?" "Oo dyan na nga." "Sandali lang mamaya na tayo lumabas. Hindi pa panahon." "Anong ibig mong sabihin?" "Igaganti kita Margoux." "Ha!" Ang hindi makapaniwalang wika ni Margoux nahihiwagaan siya sa mga ikinikilos ng kaibigan. "Pero may gusto lang akong seguruhin sayo Margoux." "Ano 'yon?" "Gaano mo kinasusuklaman ang lalaking 'yon? Yong totoo Margoux?" "Gusto kong pagbayaran nya ang ginawa nya sa akin. Kahit konti." Napapaiyak na naman si Margoux pero niyakap sya ni Hope. "Tama na huwag mo nang pag-aksayahan ng luha ang walang kwentang lalaking iyon. Hindi siya nababagay sayo at hindi siya kawalan. Iyan ang dapat mong isipin." Ang buong senseridad na pagpapalakas loob ni Hope sa kaibigan. At muling sinulyapan muli ang kanyang cellphone. "Now, let's go." Naunang lumabas ng kotse si Hope bago si Margoux na atubili dahil hindi niya maintindihan ang kaibigan. Isa pa ayaw na niyang makita ang lalaking nanakit sa kanya. " Lakasan mo ang loob mo Margoux. Huwag mong ipakita sa kanya na mahina ka. Andito ako, tutulungan kita makabawi sa gagong 'yon." "Anong gagawin mo? Baka pati ikaw ay mapahamak. " "He!he!he! Iyon nga ang gusto ko ang mapahamak ako let's go." Matapang na pumasok si Hope sa isang bilyaran. Maraming tao duon naglalaro, nag-iinom ng beer, naninigarilyo at may humihit-hit. Amoy palang alam na ni Hope na may gumagamit ng droga dito. Nang makapasok silang dalawa ni Margoux ay nagsipagtinginan sa kanilang dalawa ang lahat. Sampong lalaki ang naruruon sa silid na iyon. "Bro, yong tinapon mo bumalik." "Iba, talaga ang kamandag mo Mike." Ang sabi ng mga kaibigan ni Mike habang nakatingin sila sa dalawang babae. "Anong kailangan mo Margoux? Hindi ka ba nakakaintindi ha..Sawa na ako sayo, boring ka. At para kang patay kapag kinakantot kita hin.." "PAK!" Isang malakas na sampal ang nagpahinto sa sasabihin ni Mike. Nagulat eto at napahiya. Nakita kasi niyang nagsipagtawanan ang mga kaibigan niya. "Are you crazy b***h?" Ang sigaw ni Mike, habang galit ang mga mata na nakatingin sa mukha ni Hope. "Oh, huwag kang magalit kong nasamapl kita. Ginawa ko lang kasi 'yon para magising ka. Sinisisi mo ang kaibigan ko e hindi naman kasi niya kasalanan kong malambot at maiksi ang sa'yo. Sabi nga ni Margoux sa amin ng mga kaibigan nya mas mabuti pa daw ang dila mo mas masarap. Pero yang t**i mo hindi. Kasi daw maliit walang kwenta." "CRAZY b***h! " Ang galit na sigaw ni Mike. Sabay sampal sa mukha ni Hope. Umagos agad mula sa labi na pumutok ang dugo ni Hope.Napahiya kasi si Mike, Kitang kita nya ang mga kaibigan niyang malakas ang pagtatawanan. Nainsulto sya at napahiya ng subra. "Sino ka bang babae ka ha para magsalita sa akin ng ganyan. Pwes maliit pala ha. Dito mismo ipapakita ko sayo kong gaano kaliit ang sinasabi mo halika dito at ipapatikim ko sayo. " Hawak-hawak ni Mike ang buhok ni Hope sa batok at pilit na pinapadapa sa bilyaran. "Mike, please bitawan mo ang kaibigan ko tama na ?" Ang paki-usap ni Margoux sa kanyang exboyfriend. Ngunit itinulak lang sya ni Mike. "Ano pare, amin na lang 'to. Sumasalo naman kami ng buto eh. Ayos na ayos pa 'to hindi ba mga Bro's?" "Oo, nga ha!ha!ha...Pagkatapos mo diyan ipasa mo rin sa amin ha." "Mga hayop kayo, bitawan nyo ako. Hayop ka talaga Mike ang sama-sama mo. " Nagsusumigaw si Margoux at pilit na kumakawala sa mga lalaking kaibigan ni Mike na pilit na kinakaladkad siya. Hanggang sa kinagat niya sa braso ang isang lalaking bumibitbit sa kanya. Sa galit nito ay malakas siyang sinampal at sinuntok sa sikmukra. Namilipit sa sakit si Margoux lalo't buntis siya ng higit sa dalawang buwan. Samantalang si Hope naman ay pumapalag din at napunit na ang kanyang suot na damit. Nang biglang may bola ng bilyard ang tumama sa katawan ni Mike na nagpalingon sa kanya. Napalingon ang lahat, nakita nila ang hindi kilalang grupo ng mga kalalakihan ang nasa loob ngayon ng bilyaran. Pero sa nga awra pa lamang nila ay alam nang hindi sila basta-basta. Nakatingin si Hope kay Ryo, habang nakadagan parin sa kanya si Mike. Pero naglakad si Ryo, papunta sa kanila na madilim ang mga mata. Nagbabadya na may kailangang mamatay ngayon. Napilitan namang umalis sa ibabaw ni Hope si Mike at hinarapa ang paparating na si Ryo. Ang kaso isang malakas na sipa ang nagpatilapon kay Mike. Lumapit si Ryo kay Hope, at inilipat nito ang suot niyang Blazer Coat sa kanya. Upang matakpan ang katawan nito. Dahil kitang-kita na ang maumbok na dib-dib nito kahit na may suot paring bra. Walang imik eto habang sinusuotan sya ng blazer Coat. Inayos ang kanyang buhok at pinahid ang dugong lumalabas sa putok na labi ni Hope, ng kanyang likod na hinlalaking daliri. Inilapit ni Ryo, ang ulo ni Hope palapit sa kanyang dib-dib at yumakap naman si Hope sa kanya. Wala silang imikan na dalawa. Hinihimas-himas ni Ryo ang ulo ni Hope. Maya-maya ay inalis niya ang mga kamay ni Hope na yumayakap sa kanyang katawan. Tumalikod at pinuntahan ang lalaking may gawa nito kay Hope. Naka-luhod at naka-taas ang mga kamay nilang lahat, habang nakatutok ang mga baril ng mga tauhan ni Ryo sa kanilang mga ulo. Naka-alalay naman si Winston kay Margoux na namimilipit pa din sa sakit ng tyan. At may dugo na tumatagos sa binti niya at biglang hinimatay. "Kailangan siyang dalhin sa hospital." Ang malakas na sabi ni Winston habang kinakarga na niya si Margoux. Napatingin si Hope sa kaibigan at sa kapatid. "Kuya Winston, madali ka dalhin mo sya agad sa hospital buntis sya eh. Mauna na kayo kasi hindi pa ako tapos dito." Ang sabi ni Hope at tumingin sa walang imik na si Ryo. "Hubby," Ang wika ni Hope na kumapit sa braso ni Ryo. "Rambo, Pahiram nang balisong mo." Ang sabi ni Ryo at mabilis na inabot naman ni Rambo ang kanyang balisong na binunot sa kanyang likuran. "Tumalikod ka Hope." Ang biglang utos ni Ryo. Habang hindi inaalis ang masamang tingin kay Mike. "Hindi. Gusto kong makita kong ano ang gagawin mo sa gagong 'yan." "Segurado ka?" "Oo." Lumapit ang dalawang kasamang bodyguards ni Ryo sa kanila at magkabilang kinuha nila ang braso ni Mike. Dinala sa table ng billiards at inilatag ang mga kamay nito duon. Nanginginig naman sa takot si Mike dahil batid na niya ang mangyayari sa kanya. "Anong gagawin nyo sa akin? Bitawan nyo ako? Baka hindi nyo ako nakikilala anak ako ng senator." Ang halos magsisigaw na wika ni Mike. Subalit ang grupo ni Ryo ay nananatiling walang kibo at nakabantay parin sa mga kaibigan ni Mike. Nakakatindig balahibo ang sumunod na nangyari. Dahil isa-isang pinutol ni Ryo ang mga daliri nito. At ang sunod naman nitong ginawa ay ang paghubad sa suot nitong pantalon at brief. Pero bago pa man maibaba ng tuluyan ni Ryo ang brief ni Mike ay tumalikod na si Hope. "Akala ko ba matapang ka gusto mong makita ang ginagawa ko?" "Tumalikod ako hindi dahil sa natatakot ako. Tumalikod ako dahil gusto kong ang una kong makitang ahas ay ang sa'yo, at hindi sa kanya." Ang mahinang sabi ni Hope pero sapat lamang upang madinig eto ni Ryo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD