Chapter 27

1217 Words
Andaming tao rito sa gymnasium kung saan gaganapin ang ball. Dito na naming naisipan na gawin ang ball para hindi na mahirapan ang lahat na pumunta sa kung saan mang hotel. Atsaka sabi nga namin School Year End Ball ito, ito na ang huling taon namin sa school kaya mas maganda na sulitin na namin ang panahon na dito kami mag-aaral. "Miss Secretary?" napalingon ako sa tumawag sa akin at nakitang ang Treasurer pala ang tumawag sa akin. "Bakit po?" pagkalapit n'ya sa akin ay pinakita s'ya sa phone n'ya. Kulay ito ng mga tela. "Anong kulay ng tela ang gagamitin natin?" Tinignan ko ang mga kulay. Simple pero gusto ko maganda at may pagka-elegante ang party. "White and Cream will do." sabi ko kaya tumango s'ya at naglakad papaalis. Our theme is enchanted forest pero yung dress nila kahit anong gustuhin nila basta walang magsusuot na akala mo pupunta lang ng club. Hindi pa gaanong maayos ang venue dahil marami pa kaming kailangang ayusin. Pero yung mga nasa paligid nito ay kahit papa'no ay nasisimulan na. Kaya excited na ko sa kalalabasan nang plano namin. Napatingin ako sa orasan ko at napansing tanghali na. Kaya hinanap ko si President at nang makita ito ay tinawag ko s'ya. "President!" sigaw ko kaya napalingon ang iba sa akin kaya alanganin ko silang nginitian. Bumalik din naman sila sa ginagawa nila kaya tinignan ko ulit ang President at tinap nang ilang beses ang orasan ko. Nakuha naman n'ya ang ibig kong sabihin dahil tumango s'ya sa akin. Pumalakpak s'ya ng malakas kaya naagaw n'ya ang atensyon ng mga tao rito sa gymnasium. "Mamaya na po natin ituloy kung ano man pong ginagawa natin. Magtanghalian po muna tayo." sabi niya kaya unti-unti ay tumigil sila at iniligpit ang mga nakakalat na kagamitan. Mga trabahante ng Tita ko ang karamihan dito dahil nga kailangan namin ng man power at since event organizer din naman s'ya ay pumayag s'ya. Tinulungan din kami ng Tita ko para sa event kaya kahit papa'no hindi kami nahihirapan. Sabay-sabay kaming naglakad pauntang cafeteria. Pinagtitinginan pa kami ng mga estudyante dahil sa ingay nang ibang officer at dahil na rin sa mga staffs na kasama namin. Pagkapasok namin sa cafeteria ay agad na nahagip nang paningin ko ang kapatid kong si Ryzk at saktong napatingin rin ito sa akin kaya sinenyasan n'ya ako. Kinalabit ko naman ang Treasurer at sinenyasan itong lalapit ako sa kakambal ko kaya nginitian at tinanguan n'ya ako. Lumapit agad ako kay Ryzk at umupo sa tabi n'ya. Inakbayan n'ya ako kaagad kaya nakalapat ang ulo ko sa dibdib n'ya, sa ganitong posisyon namin ay nababasa ko ang binabasa n'ya. "Hindi ka pa kumakain?" tanong ko. "Hindi pa, hinihintay kita." sagot n'ya kaya sinundot ko ang tagiliran n'ya pero parang wala lang sa kan'ya. "Oy! Miss mo ko no?" nang-aasar na sabi ko. "Tsk. Sawa na kaya ako sayo." sabi n'ya kaya marahas kong tinanggal ang pagkaka-akbay n'ya at tinignan s'ya. Nakita ko na naka-ngisi s'ya habang nakatingin pa rin sa libro. Kaya hinampas ko s'ya na dahilan para matawa s'ya. "Salbahe 'to!" naiinis na sabi ko habang nakanguso. Tinignan n'ya ako at pinisil ang muhka ko gamit ang hinlalaki at gitnang daliri n'ya kaya lalong napanguso ako. Tinignan n'ya ang itsura ko kaya napatawa s'ya lalo kaya tinampal ko ang kamay n'ya kaya binitawan na n'ya ang muhka ko. "Ang cute mo ron." natatawang sabi n'ya kaya inirapan ko s'ya kaya ganun din ang ginawa ko. Natawa naman ako sa kalokohang ginawa ko. "Ang gwapo mo!" gigil na sabi ko habang marahang tinatabingi ang muhka n'ya. Inalis n'ya naman ang kamay ko at ngumisi. "Alam ko." tinampal ko braso n'ya. "Ang hangin." walang ganang tugon ko. "Sakto lang." sagot n'ya kaya pinaningkitan ko s'ya. "Hala, oy! Um-order ka na, aber! Nagugutom na ko." sabi ko sa kan'ya. Sinarado n'ya ang libro na binabasa n'ya at tinignan ako. "Usual?" umiling ako. "Iba naman. Pepper steak, juice, at ice cream." sabi ko kaya tumango s'ya at umalis. Tumingin-tingin ako sa paligid. Medyo maingay rito sa cafeteria dahil sa mga estudyante. Well, siguro ito na lang ang time na chichika sila mga kaibigan nila na hindi nila kaklase o kung kaklase man ay hindi naman nila makausap nang matino dahil sa mga school works. Mostly kasi rito ay ga-graduate na, ako magco-college kaya magmo-moving up kami. Kasabay namin ang mga college student sa graduation. Kaya magkakaro'n na rin kami ng school year end party. Naramdaman kong parang may nakatitig sa akin kaya ng hahanapin ko ito ay hindi ko nagawa dahil dumating si Ryzk. Kaya tinignan ko ang pagkain na dala n'ya at nginitian s'ya. Kinurot naman n'ya ang pisngi ko kaya napasimangot ako. "Kumain ka na. May gagawin pa kayo 'di ba?" sabi n'ya sabay abot ng pagkain ko kaya tumango ako at sinimulang kumain. Kumakain si Ryzk habang nakatingin pa rin sa libro kaya tinukod ko ang siko ko sa mesa at sinandal ang ulo ko sa kamay ko para tignan s'ya. Ngumunguya pa ko habang nakatingin sa kan'ya. Pabalik-balik ang tingin ko sa kan'ya at sa libro na binabasa n'ya. Napansin n'ya siguro ang pagtingin ko sa kan'ya kaya tinignan n'ya ako, kumunot ang noo n'ya dahil sa ginagawa ko. "What are you staring at?" Dahil tapos na kong ngumuya ay makakapagsalita na ko. "Mabuti na kakakain ka pa ng maayos kahit nagbabasa ka." tumango s'ya. "Of course. Kukuha muna ako ng pagkain bago ako makapagbasa kaya nakakakain pa rin ako ng maayos." marahan akong tumango-tango. "Ano ba yang binabasa mo?" nagkibit-balikat s'ya. Umiling-iling na lamang ako sa kan'ya at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ko sa kan'ya na aalis na ko kaya tinaguan n'ya lamang ako na nagpasimangot sa akin. Mas interesado kasi s'ya sa binabasa n'ya kaya iniwan ko na s'ya roon at lumapit sa mga officers na nagtatawanan. Napatingin naman sila sa akin at nginitian ako kaya nginitian ko rin sila pabalik. "Muhkang nagkakatuwaan kayo ah." nakangiting sabi ko. "Ito kasing sila Shun, nababaliw na. Magpustahan ba naman daw kung sino ang mabilis na makakaubos nang pagkain." natatawang sabi ng Treasurer habang nakaturo kila Shun. Ngayon ko nga lang napansin na nagpapaunahan sila na kumain kaya kumunot ang noo ko at umupo sa tabi ng Treasurer. "Mabuti hindi pa sila nabubulunan?" nagtatakang tanong ko. Napatawa naman s'ya. "Hindi namin hinihintay kung sino unang makakaubos, hinihintay namin kung sino unang mabubulunan. Sa ngayon wala pa naman." natatawang sabi n'ya kaya hinampas ko s'ya sa braso. "Aray!" "Ang salbahe ah!" natawa na lang s'ya sa sinabi ko. Kaya napatingin na lamang ako kila Shun ng may marinig kaming umubo nang sunod-sunod. "Tubig!" rinig kong sigaw ng kung sino pero hindi ko na ito pinansin at lumapit na lamang sa President at hinimas-himas ang likod n'ya. Nang maabutan nang tubig ay agad n'ya itong ininom. "Kalma, Pres." sabi ko habang hinahagod pa rin ang likod n'ya. "Okay ka na?" tumango-tango s'ya. Sabay kong hinampas ang likod nilang dalawa kaya napaigik sila na kinasinghap nang mga kasama namin. "Gawin n'yo pa ulit yan, ako mismo magpapakain sa inyo." nakangiting sabi ko na kinatakot nila. Tinaasan ko silang dalawa ng kilay kaya alanganin silang ngumiti sa akin. "Tara na. May gagawin pa tayo." sabi ko at tinalikuran sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD