Lumipas ang ilang linggo pagkatapos kong kumanta nung Valentine's Day at nung cinelebrate namin ni Ryzk ang birthday namin ay dumating na ang March, kung saan kami ga-graduate at kung kailan naman gaganapin ang School Year End Ball, party for the students na magtatapos this month. At mangyayari yun at mangyayari 'yon third week of the month kaya ngayon mas naging busy na kami sa pagbili ng decorations at pag-aayos kahit sinimulan na namin ito last week of the month ng February.
Nandito kami sa mall para bumili ng mga decorations sa gaganapin na ball this month. Napatingin ako sa mga kasama ko na mga nakabusangot. Kaya napangiti ako.
"Ba't ganyan mga muhka n'yo? Biyernes Santo ba?" nakangising tanong ko kaya napatingin sila sa'kin.
"Nakakapagod kaya!" nagrereklamong sabi ng President namin.
"Kailan ka ba hindi napagod?" tanong ng VP.
"Hmm?" umaktong nag-isip pa ang President. "Nung mahalin kita?"
Dahil sa sagot n'ya ay muntikan na s'yang batukan ng VP kaya agaran itong lumayo sa kan'ya habang tumatawa. Napabuntong hininga na lamang s'ya kaya napailing na lamang ako. Kaya napatingin s'ya akin na pinagtaka ko naman.
"Kumain na muna kaya tayo? Para makapagpahinga na rin sila." aniya.
"Sige. Pero saan tayo kakain?"
Nilibot n'ya ang tingin n'ya at saktong napatingin s'ya sa isang fast food chain.
"Doon." turo n'ya kaya napatingin ako sa tinuro n'ya at nakitang Mcdo pala ito.
Kaya tinignan ko yung nga kasama namin na nakasimangot pa rin hanggang ngayon.
"Guys!" tawag ko sa kanila kaya napatingin sila sa'kin.
"Kumain muna tayo dun." turo ko sa Mcdo kaya agaran silang pumunta doon.
Nagkatinginan kami ng VP at napatingin sa mga kasama namin na pumunta sa loob ng Mcdo kaya sinundan namin sila.
"Itong President na 'to feeling bata." naiinis na sabi ng VP kaya natawa ako.
"Yaan mo na po, na-miss n'ya sigurong maging bagets." nakangiting sabi ko kaya napailing na lamang s'ya.
"Parang mga ginutom sila ah. Kung makatakbo akala mo ngayon lang makakakain." natawa na lang ako sa sinabi n'ya.
Nang makalapit na kami sa kanila ay para silang mga bata na ngayon lang nakalabas at tama nga ang VP para rin silang mga bata na ngayon lang makakakain.
"KKB!" bungad ng VP sa kanila.
"KKB?" tanong ng Treasurer.
"Kanya-kanyang bayad mga baliw." asik n'ya kaya natawa na naman ako.
"Hala!" sabay-sabay nilang reklamo.
"Hala rin! Bahala kayo magutom d'yan." singhal n'ya kaya napailing na lamang ako.
"Ambagan." singit ko kaya napatingin sila sa'kin. "Bucket meal kunin natin para kahit papa'no marami."
"Ay hindi! Ayoko!" sabi ng VP at tinuro sila.
"Kayo! Ang yayaman n'yo mga kuripot naman kayo. Aba! Ilabas n'yo 'yang yaman n'yo." aniya.
Kaya umiling-iling sila.
"Wala! Hindi kami mayaman. We're broke." sabi ng President.
"We're broke! Ha!" Sarkastikong sabi ng VP.
"Eh, bumili ka nga ng Iphone kanina, 'We're broke'? Sino niloko mo? Kami?" sabi n'ya sabay turo sa'ming dalawa.
Oo nga naman. Paano n'ya nasabing wala s'yang pera e nakabili nga s'ya ng Iphone kanina tapos nagshopping pa ang bili na puro galing luxury brand. Nagagawa nga naman ng mayaman. Sana all!
"Hayaan mo na nga, Shun." sabi ko sabay hawak sa balikat n'ya.
"Ako naman ang manlilibre."
Napatingin sila sa'kin na nanlalaki ang mata. Kaya nagtataka ko silang tinignan.
"Ba't ganyan kayo makatingin sa'kin?"
"Nakakapanibago lang po. Hindi ka naman po kasi nanlilibre noon." sabi nang grade 8 year level representative na sinang-ayunan ng iba.
"Edi sulitin n'yo ngayon." sabi ko kaya agad nilang binigay ang mga order na wala na akong maintindihan ni isa dahil sabay-sabay silang nagsalita.
Naglapag agad ng ballpen at papel ang VP na nagpahinto sa kanila. Tinignan nila ito at napatingin sa kan'ya na nagtataka.
"Ilista n'yo." maikling tugon n'ya kaya unang nagsulat ay ang President at sunod-sunod na sila. Pagkatapos ay inabot nila ito sa amin.
"Tara na." sabi n'ya at hinatak ako kaya wala na akong magawa kundi ang magpahatak since ako naman ang manlilibre.
Mabuti na lang din at konti ang tao ngayon dito kaya hindi mahaba ang pila. Hindi kami pumasok dahil in-excuse kami ng maaga kahit half day naman ang pasok. Konti lang din ang estudyanteng makikita rito sa Mcdo dahil panigurado mga nasa mamahaling restaurant ang mga iyon.
Magsasalita pa lang ang babaeng nasa cashier ng nilapag na lang ni Shun ang listahan kung saan nila isinulat ang mga order nila. Pasimple kong kinurot si Shun na ininda lang, kaya tumango na lamang ang babae at inasikaso ang order namin. Pagkatalikod n'ya ay sinamaan ko ng tingin ang kasama ko.
"Ikaw!" inambaang hahampasin kaya natatawang umiwas s'ya.
"Sorry na. Nagugutom na rin ako e." natatawang sabi n'ya.
"Kahit na!" nanggigil na sabi ko.
"Ito! Wala kang manners ha!" naiinis na sabi ko.
"Sorry na."
"'Wag ka sa'kin mag-sorry, dun sa babae." sabi ko saktong namang dumating na rin yung nag-aasikaso nang order namin kaya umayos nang tayo si Shun.
"Miss, sorry sa ginawa ko kanina." sabi n'ya sa babae.
Kaya nag-angat s'ya ng tingin sa amin at ngumiti.
"Naku wala po 'yon." nakangiting sabi n'ya sa amin at marahang inusog papalapit sa'min ang mga tray.
"Ito na po order n'yo." magalang na sabi at pumindot sa bell. "Pa-assist po."
Kinuha namin ni Shun ang tray na kaya naming buhatin at kinuha naman ng dalawang staff ang ibang tray. Since kami ni Shun ang nakakaalam kung nasaan ang table namin ay nauna na kami na sinundan lamang nila.
Pagkadating namin sa table namin ay agad naming nilapag ni Shun ang tray sa harap nila kaya nilagay na rin ng staffs ang tray na dala nila. Pinasalamatan muna namin sila bago sila umalis. Dinistribute nang President at Treasurer ang mga pagkain habang ako ay umupo sa tabi ni Shun.
"Laki ng gastos 'no?" mapang-asar na sabi ng katabi ko.
"Laki nga." nakangiwing sabi ko kaya natawa naman s'ya.
"Mga anak mo 'te?" pang-aasar n'ya kaya inirapan ko s'ya at siniko kaya napa-ubo s'ya na nagpatawa naman sa'kin.
"Ang bilis ng karma 'no?" nakangising tanong ko.
"Ang...bilis nga." mahinang sabi n'ya.
"Oh! Mamaya na 'yang asaran na 'yan. Kain muna. Masamang pinaghihintay ang grasya." Sabi ng isang officer, ang Sergeant and Arm.
Inabot n'ya sa'min ang pagkain namin.
"Thank you." sabi ko.
"Ito na po." sabi ni Shun.
"Pray muna." Sabi ng President.
"Ako na magle-lead, ito na lang ambag ko e." natatawang sabi n'ya kaya nagsimula na ang pagdadasal. Pagkatapos magdasal ay naging galit-galitan na kami sa isa't isa.
"Hay! Mabuti naman tapos na ang pamimili natin ng ibang supplies." sabi ng grade 10 level rep.
"Totoo." pagod na sabi nila.
"May food tasting bukas." sabi ko kaya napaangat sila ng ulo since nakasandal ang mga ulo nila sa backrest ang iba naman ay nakasandal sa balikat ng katabi nila.
"Oo nga pala."
"Excited na ko para ro'n." nakangiting sabi ng grade 7.
"Same." sinang-ayunan ng grade 8.
"Ano 'yung mga pagkain na pagpipilian?" Tanong ni Shun.
"Dunno." maikling sabi ko dahil na rin sa pagod.
"Magpahinga na kayo para makapagsimula na rin tayo sa mga kailangan nating gawin dahil four p.m. kailangan na nating umuwi." sabi ng President kaya napatingin ako sa orasan.
Two-thirty P.M. May oras pa para magawa namin ang mga dapat naming gawin. Kahit hindi marami at least may magagawa kami.
Pagkatapos magpahinga ay agad naman kaming kumilos sa paggawa nang mga design, pinili kasi talaga namin na kami ang gumawa dahil ayun 'yung nakagawian na ata rito. 'Yung mga past kasi na officers ng SSG ay sila ang laging nago-organize nang mga event kaya hanggang sa amin ay talagang umabot ang tradition na iyon.
Pagkatapos naming gawin ang mga pangdesign ay nagligpit kami at sabay-sabay na bumaba. Habang pababa kami ay nagbibiruan sila kaya napapangiti na lamang ako. Sila yung naging distraction ko, sila yung nakatulong sa'kin kung para paano mabawasan yung sakit dito sa puso ko. Kaya sobrang thankful talaga ako na nakilala ko sila, kahit hindi nila alam kung anong nangyayari sa'kin ay masaya ako kasi napapasaya nila ako.
"Ingat kayo!" sabi ng President namin nung makita na namin yung mga taga-sundo namin.
"Ingat!" sabi namin sa isa't isa kaya lumapit na agad ako kay Ryzk para makauwi na kami.