Chapter 25

1790 Words
"Kambal!" Napabangon ako dahil sa sigaw at nakita ko si ate Eryn na sobrang lawak ng ngiti sa akin kaya sinimangutan ko s'ya. Ang ingay naman nito ni Ate e! Gusto ko pang matulog. Napatingin naman ako kay Ryzk na nasa tabi ko at nakitang kinukusot-kusot pa nito ang mata. Kaya tinignan ko ulit si Ate at sobrang lawak pa rin ng ngiti nito. "Ate, ang aga-aga nang iinis ka." naiinis na sabi ko. Inirapan naman n'ya ko. "Mga kapatid, baka naman may balak kayong gumising?" sarkastikong tanong nito. "Wala!" sabay na sabi namin ni Ryzk. "Aray!" "Ouch!" Reklamo namin ni Ryzk. Pa'no ba naman kasi ay piningot kami ni Ate at halatang nanggigigil ito. Kaya ng bitawan n'ya ang tenga namin ay napahimas na lamang ako sa tenga ko na piningot n'ya. "Ano bang problema mo?" naiinis na tanong ni Ryzk. "Hoy! Kayong dalawa," turo n'ya sa amin. "Baka lang naman nakakalimutan n'yo na birthday n'yo ngayon." sarkastikong dagdag n'ya kaya natigilan ako. "At bibisitahin pa natin si Mommy," aniya. Nang mabanggit ni Ate si Mom ay agad kaming tumayo ni Ryzk sa kama ko. "Magsitayo... na kayo r'yan." mahinang dugtong ni Ate. Hindi na n'ya siguro natuloy ng malakas ang mismong sasabihin n'ya dahil umalis na kami sa harap n'ya. "By the way, happy birthday, kambal!" sigaw ni Ate. "Thank you, Ate!" sigaw ko mula sa banyo. Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Ryzk na naglalakad pero hindi pa ako napapansin nito dahil ginugulo-gulo n'ya ang basa n'yang buhok. Kaya ng tumapat s'ya sa pwesto ko ay kinawit ko ang braso ko sa braso n'ya kaya napatingin ito sa akin. "Happy birthday!" nakangiti sabi ko kaya nginisian n'ya ako. "Happy birthday." "Ay," nagtatakang napatingin s'ya sa akin. "Pagkatapos ba nating bisitahin si Mom, bibisita ka rin sa kan'ya?" Napatitig s'ya sa akin at umiwas ng tingin. Napakagat na lamang ako sa labi ko. Alam ko kasing malungkot pa rin s'ya sa pagkawala nito kahit nakakamove-on na s'ya "Yes." mahinang sabi n'ya pero dahil nga katabi n'ya ako ay narinig ko pa rin 'yon. "Sama mo 'ko." magiliw na tugon ko kaya tumango na lamang s'ya. "Happy birthday!" bati sa'min ni Dad pagkarating namin sa dining area. "Thank you po." Nang mapatingin ako sa lamesa at nanlalaki ang mata ko na pinasadahan ng tingin ang mga nasa lamesa at tumingin kay Dad. "May pyesta po ba?" nagtatakang tanong ko. Umiling si Dad. "Wala naman, bakit?" "Ba't po andaming pagkain?" Tumingin ako kay Ate. "Ito na ba 'yong prinipare mo para sa birthday namin?" "Baliw! Hindi." She scoffed. "Hindi ito 'yon. Si Dad nagprepare n'yan." Tumango-tango ako at umupo sa pwesto ko at gano'n na rin si Ryzk. "May gagawin ba kayo ngayon?" tanong ni Ate. "Uhm..." tumingin ako kay Ryzk na nilalagyan ng pagkain ang plato ko kaya sinulyapan n'ya ako saglit at nagpatuloy. "Yes, later, after lunch." sabi ni Ryzk. "Since tanghali na kayo nagising edi aalis kayo kaagad after nito?" Tumango si Ryzk. "Sa'n ba kayo pupunta?" "Althea." Natigilan sandali si Ate at tumango. "Oo nga pala." aniya. "Pero may ibibigay aking damit sa inyo. Ayun suotin n'yo pagbumisita na kayo kay Mom." "Bakit? Para saan?" takang tanong ko. "Basta. Kailangan around six-thirthy nando'n na kayo ah?" Tumango-tango. Sobrang layo kasi ng sementeryo kung saan inilibing si Selene sa sementeryo kung nasaan naman 'yong kay Mom kaya for male-late kami. "Okay." Pagkarating ko sa kwarto ko ay tinignan ko muna kung may mga gawain ba ko na hindi ko nagawa or may mga incomplete pa. Mabuti na lang ay wala na kaya kahit papa'no ay wala na akong po-problemahin pagdating sa school works. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Ate na may hawak-hawak na dress na nasa plastic pa. "Ito ang suotin mo." sabi n'ya at maingat na inabot sa akin ang damit. "Ternuhan mo na lang ng white heels. Ikaw na bahala basta kung saan ka kumportable." dugtong pa n'ya kaya tumango ako. Pinasadahan ko ang damit. It's a french vintage white dress. See-through ang maikling sleeves nito na two inches above the elbow. Napansin ko rin na may mga naka-embroid na mga bulaklak at dahon. Simple lamang naman ang damit at halatang kumportable pero nagtatakang napatingin ako kay Ate na kanina pa pala nakatingin sa akin. "Pero Ate, saan ito galing? Wala akong naaalalang may ganito kang damit sa store mo." nagtatakang sabi ko. Malungkot s'yang ngumiti sa akin. "Gawa ni Mom." natigilan ako sa sinabi n'ya. "Sabi n'ya sa akin na ipasuot ko raw 'yan sa'yo kapag magde-debut ka na." Nanikip ang dibdib ko. Kahit pala sa mga sandaling oras n'ya, kami pa rin ang inisip n'ya. "Thank you, Ate." nakangiting sabi ko kaya marahan n'yang tinapik ang balikat ko at nginitian. "Sige na, mag-ayos ka na. Aalis pa kayo, 'di ba?" sabi n'ya kaya tumango ako. "Sige po." tugon ko kaya pumasok na 'ko sa kwarto at nagpalit ng damit. Saktong-sakto lang ang sukat ng damit. Lumagpas na ang palda sa may tuhod ko kaya kahit papaano sy kumportable ako dahil hindi ito ganoong kaikli. Nagsuot na rin ako ng nude block heels, hindi na rin ako naglagay ng ganoong kakapal na make up, liptint at pulbos lang ang nilagay ko since hindi naman talaga ako mahilig maglagay ng kolorete sa muhka. I put my hair into a simple half-up half-down French twist hairstyle since my hair is already wavy I didn't put much effort to style it. Napatingin ulit ako sa salamin, simpleng-simple lang ang itsura ko pero hindi naman boring tignan. Hindi rin s'ya gano'ng elegante, pwedeng-pwede for every event kaya kung may pupuntahin pa kami after namin bumisita kay Mom ay ayos lang, hindi na ko mababahala sa magiging itsura ko. Chineck ko kung kumpleto na ang gamit ko at ng masigurong okay na lahat ay lumabas na ko ng kwarto ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Ryzk sa couch at nagce-cellphone. Nakasuot s'ya ng white long sleeve polo, black trousers, at black leather shoes. Hindi na rin n'ya gaanong inayos ang buhok n'ya dahil siguro alam n'yang paborito ni Selene ang messy hair n'ya. "Dadaan pa tayo ng flower shop." sabi n'ya pagkalapit ko. "Nagpa-arrange ka na?" tumango s'ya. Saktong lumabas si Ate sa kusina kaya nagpaalam na kami. "'Wag kayong male-late ah?" paalala n'ya na kaya tumango na lamang kami at pumunta na sa kotse n'ya. Tahimik lamang kami habang papunta sa flower shop. Nang dumating kami ay s'ya na lamang ang lumabas since naayos na raw naman na iyon. Pi-pick up-in na lang. Pagkakuha ni Ryzk ay inabot n'ya ito sa akin kaya minu-minuto ay tinitignan ko ito dahil baka mamaya ay may parteng masira. Ayoko naman na may dadalhin kaming bulaklak sa kan'ya na hindi na maayos. "Hi, Selene." sabi ko pagkalapag ko ng bulaklak. "Eighteenth birthday namin ngayon." dugtong ko at napangiti ng malungkot. Sinulyapan ko si Ryzk at malungkot s'yang nakatingin sa lapida ni Selene. "Sayang..." napalunok ako. "Wala ka." Pumikit-pikit ako para hindi ako maiyak. "Pero 'wag kang mag-alala. Magiging masaya kami dahil ayon ang dapat. Alam din naman namin na ayaw mo kaming malungkot e." Naramdaman namin na humangin kaya natigilan ako sandali at napatingin kay Ryzk na nakapikit. Pero mahahalata sa kan'ya na payapa ang pakiramdam n'ya ngayon. Nagtagal pa kami roon ng ilang oras bago namin na isipan na pumunta na sa puntod ni Mommy. "We'll visit again, Althea. See you." he said. "Yeah. See you soon, Selene." nakangiting sabi ko. Mabuti na lamang habang papunta kami kung nasaan si Mom ay walang traffic kaya kahit papaano ay hindi kami male-late sa oras na pinag-usapan namin. Pagkarating namin doon ay dito pa lamang kung saan kami naka-park ay nakita na namin si Ate at Daddy. Lumapit kami sa kanila at agad namin nila kaming napansin. "Mabuti kayo late." pambungad ni Ate. I scoffed. "Baka makatanggap na naman kami ng pingot sa'yo." Nginisian kami ni Ate. "Naman. Bawal late." "Sorry hindi kami nakabili ng bulaklak." sabi ni Ryzk. "It's okay." Dad said. Lumapit kami sa puntod ni Mom. "Hi, Mom." I said. "I'm wearing the dress that you made." Napangiti ako. "Don't worry, iingatan ko po 'to." Napakagat ako sa labi ko. "Ngayong ko lang nalaman na mahilig rin po pala kayo sa paggawa ng damit, katulad ni Ate." napatingin ako kay Ate at nginitian s'ya. Nginitian din n'ya ako. "Sobrang ganda po nung damit." Napatingin ako sa gilid ko ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nakita ko sa Ryzk at nakatingin lamang s'ya sa lapida habang nakangiti. "Same, Mom. I nagustuhan ko rin po ang damit." napatingin s'ya sa akin habang nakangiti kaya nginitian ko rin s'ya. "And like Reese, I will also treasure this." Inakbayan ako ni Ryzk. "Happy birthday to us!" "Happy birthday to us." nakangiting sabi ko. Pagkatapos namin bumisita kay Mom ay hinatak kami nila Ate sa hindi ko malamang lugar. "Sa'n po ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko. "Basta. Sumama na lang kayo." sabi ni Ate. "Hala? Para namang may magagawa kami e, hatak-hatak n'yo kami." Natawa na lamang sila sa amin. Kumunot ang noo ko dahil nandito kami sa harap ng function hall. Nagtatakang tinignan ko sila Ate pero nakangiti lamang sila sa amin. "Tara na!" sabi ni Ate at marahan akong hinila. "Pero Ate, nakapatay ang ilaw." Hindi n'ya ako pinansin at patuloy lamang na hinatak kaya nagpaubaya na lamang ako dahil alam kong wala na rin akong magagawa. Pipigilan ko pa sana s'ya ng buksan n'ya ang pinto pero mas lalo akong nagulat nang pagbukas n'ya ng pinto ay bumukas ang ilaw at nakita namin ang mga mapalapit sa amin sa loob. "Happy eighteenth birthday, kambal!" sabay-sabay na sigaw nila kaya napanganga na lamang ako. Sa harap ng hall ay may nakalagay na 'Happy 18th Birthday' na gawa sa balloons. Tapos sa paligid nito ay may mga led string lights, tapos sa baba nito ay mga black and white balloons. Sa mga pader naman ay mga led string light din. Ang mga table and chairs ay black and white. Tapos sa may left side ay nandun ang buffet table. Simple lang pero maganda. Ito 'yong gustong-gusto namin ni Ryzk. Nandito ang parents ni Selene, ang kaibigan kong si Michelle kasama ang pinsan nito ang at mga kaibigan ni Ryzk, pati mga Ninong at Ninang, Tito at Tita namin ay nandito, kahit ang parents ni Reo ay nanditi kasama si Rage pero s'ya, wala. Kaya med'yo nalungkot ako pero ayos lang, choice naman n'ya kung pupunta s'ya o hindi. Pero kuntento na ako rito. Kasi lahat ng mga mahahalaga sa buhay namin nandito kasama namin. Sapat na 'to sa'kin, sa'min ni Ryzk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD