"Para kanino ba ang regalong bibilhin mo?" takang tanong ko sa kan'ya para naman kahit papa'no may idea na ko sa bibilhin namin.
"Mom." simple at maikling sagot n'ya. As always, ano pa nga bang aasahan ko rito kay Reo? Man of a few words ang baliw na 'to katulad ni Ryzk. Ayon siguro amg dahilan kung bakit sila naging magkaibigan.
Nang maalala ko ang sagot n'ya ay atsaka pa lamang pumasok sa isip ko ang ibig sabihin ni Reo. Two days from now ay birthday na ng Mommy n'ya kaya napangiwi ako.
"s**t!" bulong na sabi ko at tinignan s'ya.
"Mabuti na lang at sinabi mo sa'kin. Atsaka ko lang naalala ang birthday ni tita Grace."
Napailing na lamang s'ya sa sinabi ko at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Nang makarating kami sa parking lot ng mall ay tinanggal kaagad namin ang seatbelt at lumabas. Pagkalapit n'ya sa akin ay binigay n'ya sa akin ang wallet n'ya kaya nagtataka na nag-angat ako ng tingin sa kan'ya.
"P'wedeng ikaw muna ang humawak? Tinatamad ako magdala ng bag." sabi n'ya kaya tumango ako at kinuha ang wallet n'ya. Inilagay ko kaagad ito sa bag ko para hindi mawala. Nang isasabit ko na ang bag ko sa balikat ko ay inagaw n'ya ito sa akin kaya gulat at nagtataka akong tumingin sa kan'ya.
"Ako na magbubuhat." sabi n'ya at naglakad papaalis ako naman ay sumimangot at nagtataka sa sinabi n'ya.
"Sabi n'ya tinatamad s'yang magdala ng bag tapos ngayon hawak-hawak n'ya ang bag ko. Ang gulo ah!" bulong ko sabi at sumunod agad sa kan'ya.
Pagkapasok namin sa mall ay nakasunod lamang ako sa kan'ya. Nakatingin ako sa likod n'ya habang s'ya ay naglalakad sa harap ko habang nakasuot sa isang balikat n'ya ang bag ko at nakalagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay n'ya.
Hindi ko napansin na tumigil s'ya sa paglalakad kaya nauntog ako sa likod n'ya kaya napaatras ako ng kautin at hinawakan ang noo ko. Nag-angat ako ng tingin na dahilan kung bakit biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Nakatingin kasi s'ya sa akin habang ako naman ay nakahawak sa noo ko.
"Masakit ba?" nag-aalalang sabi n'ya.
"A-ah... Hindi... H-hindi." nauutal na sabi ko kaya nakagat ko ang ibabang labi ko at tinanggal ang pagkakahawak sa noo ko.
"Sorry, hindi kasi ako tumitingin. Nabunggo pa tuloy kita."
"It's okay. But next time, be careful. Baka kung saan ka bumangga n'yan." paalala n'ya sa akin kaya tumango ako.
"Okay." napailing na lamang s'ya at hinawakan ang kamay ko kaya mas lalong nagharumentado ang puso ko.
"Let's go." sabi n'ya at hinatak ako sa isang restaurant. Pagkapasok namin ay kaunti lang ang tao kaya agad kaming nakahanap ng pwesto. Pagkaupo namin ay may lumapit na waiter at nag-abot ng menu.
"Tumawag lang po kayo kapag may order na kayo." nakangiting sabi ng waiter kaya nginitian ko rin s'ya.
"Sige, salamat." nakangiting sabi ko sa kan'ya kaya tumango s'ya at umalis.
Napatingin naman ako kay Reo na seryosong nakatingin sa menu kaya tumingin na rin ako at naghanap ng makakain.
Nang makapili na kami ng makakain ay tinawag naming ang waiter at ibinigay rito ang mga order namin. Inulit pa n'ya ito para makasiguro at nang makasiguro naman na tama lahat ay umalis na ito. Nang kami na lang ni Reo ay napansin kong nakatingin ito sa akin habang nakasandal sa upuan at nakakrus ang mga braso kaya bumilis ang pintig ng puso ko at para akong pinagpapawisan.
"B-bakit? May dumi ba sa m-muhka ko?" nauutal na tanong ko sa kan'ya pero hindi s'ya sumagot at tumitig lang sa akin kaya nailang ako. Sa ibang direksyon ko na lamang itinuon ang atensyon ko.
Mayamaya ay dumating na ang order namin kaya umayo na ko ng upo. Pagkatapos n'yang ilagay sa mesa ang mga pagkain namin ay nagpasalamat ako rito at nginitian lamang ako at umalis na. Pagkaalis n'ya ay nagsimula na kaming kumain. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa pero ayos lang sa akin parang komportable pa ako sa katahimikan na bumabalot sa'ming dalawa.
Pagkatapos naming kumain ay oorder pa sana s'ya ng dessert pero pinigilan ko s'ya at sinabing bumili na lang kami ng ice cream sa labas ng restaurant at pumayag naman ito kaya agad s'yang nagbayad at hinatak ako papalabas ng resto. Pagkalabas namin ay lumapit kami sa babaeng nagtitindi ng ice cream. Nakangiti n'ya kaming sinalubong at natulala naman ito nang magawi ang tingin kay Reo. Wala naman akong magawa dahil talagang agaw pansin ang kagwapuhan nito, hindi talaga maitatago.
"Hi, Miss!" nakangiting sabi ko sa kan'ya kaya napailing s'ya ng kaunti at tumingin sa akin sabay ngiti.
"Hi po!" magiliw na bati n'ya at itinuro ang nasa harap namin kung saan ang pagpipilian. "Pili na po kayo, Ma'am, Sir."
Kaya tumingin ako roon at tumingin sa kan'ya pabalik.
"Ice cream cup, mango flavor." nakangiti sabi ko at tumingin kay Reo. "Ikaw?"
"Gano'n na rin." sabi n'ya habang nakatingin sa'kin kaya tinignan ko ulit ang babae at tumango.
"Okay po." sabi nito at inasikaso ang binili namin.
Nang matapos s'ya ay agad n'ya itong ibinagay sa amin at nagbayad na si Reo. Pagkabayad n'ya ay umalis na kami do'n at naglakad-lakad habang kumakain ng ice cream. Nang maubos namin ay nagpasya na kaming pumunta sa department store para sa regalo kay tita Grace.
Habang naghahanap kami ay biglang may nagpop-up na idea sa utak ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Nang mapansin n'yang hindi na ako nakasabay sa kan'ya ay nilingon n'ya ako, kumunot pa ang noo n'ya na parang nagtataka kung bakit ako huminto kaya nilapitan n'ya ako.
"Why?" tanong n'ya habang nakakunot pa rin ang noo.
"Bigyan kaya natin ng accessory si tita Grace?" nakangiting tanong ko sa kan'ya kaya agad s'ya napa-isip sa sinabi ko.
"So? What do you think?" tanong ko sa kan'ya.
"Hmm... Let's go." sabi n'ya sabay hawak sa kamay ko at hinatak ako papunta sa isang jewelry shop.
Nang makarating kami do'n ay agad kaming naghanap. Habang naghahanap kami ay may pumukaw ng paningin ko. Necklace 'yon na kulay rose gold. Ang pendant nito ay rose na nakakonekta ang dalawang chain sa stem ng rose at ang isang chain naman ay nasa petal nito, sa loob naman ng petal ng rose ay sa tingin ko ay pearl na hugis teardrop at ang parang dalawang halaman nito sa stem ay may maliliit na diamond stone. Si tita Grace agad ang naalala ko ng makita ko iyon dahil saktong-sakto na naalala ko na mahilig s'ya sa rosas kaya agad kong hinanap si Reo at nang mahanap ko ito ay tinawag ko s'ya.
"Reo!" tawag ko sa kan'ya kaya agad naman s'ya lumingon. Nang makuha ang atensyon n'ya ay sinenyasan ko s'yang lumapit na ginawa naman n'ya.
Nang makalapit s'ya sa akin ay itinuro ko sa kan'ya ang necklace na talagang nakapukaw sa akin. Pagkatapos ay nilingon ko s'ya at nginitian.
"What do you think? For sure, tita Grace will like it." sabi ko sa kan'ya habang s'ya naman ay nakatingin lamang do'n. Mayamaya ay tumango s'ya at tumingin sa harapan namin kaya napatingin na rin ako.
Hindi ko napansin na may babae pala na nasa harapan namin at nakangiti sa aming dalawa kaya nginitian ko rin s'ya.
"May nagustuhan po ba kayo, Ma'am, Sir?" nakangiting tanong n'ya sa aming dalawa.
"Ah... yes, we would like to take that necklace." Sabi ni Reo habang nakaturo sa necklace na itinuro ko rin sa kan'ya.
"Sure po. Sandali lang." sabi n'ya at inasikaso ang bibilhin na necklace. Habang hinihintay naming dalawa ang necklace ay naramdaman kong humarap s'ya sa pwesto ko pero ako ay tumitingin-tingin lang sa mga naka-display.
"Ikaw?" sabi n'ya kaya nagtataka akong lumingon sa kan'ya.
"Ha?"
"Anong ibibigay mo kay Mama?" tanong n'ya sa akin kaya bumalik ako sa pagtingin-tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang tingin n'ya.
"Ah... ayon ba? Gagawan ko si tita ng cake na ginawa ko last time. Nung pinatikim ko sa kan'ya 'yon lagi na s'yang nangungulit na gawan ko s'ya ulit kaso dahil busy ako hindi ko s'ya magawan. Kaya naisip ko na dahil birthday naman n'ya gagawin ko na 'yong cake na matagal na n'yang kinukulit sa'kin." nakangiti kong sabi.
Naalala ko na naman no'n na gumawa ako ng Dark Chocolate Truffle Cake saktong bumisita naman si tita Grace no'n kaya no'ng nandun s'ya ay s'ya pinatikim ko no'n. Sarap na sarap pa nga si tita Grace na halos maubos na n'ya ang cake kaya pagkatapos no'n ay lagi n'ya akong tinatawagan na gawan ko ulit s'ya no'n kaso dahil lagi akong busy ay hindi ako makagawa. Siguro ito na nga 'yong time na gagawin ko na ang hinihinging cake ni Tita.
Nawala ako sa pag-iisip ng makita ko ang necklace na kulay silver. May pendant 'to na snowflakes, na may anim na maliliit bato sa bawat gilid at sa gitna nito ay may malaki na bato. Kulay baby blue ang mga bato nito kaya namangha ako dahil paborito ko ang kulay no'n.
"Wow..." mahinang sabi ko.
"It's beautiful." rinig kong sabi ni Reo kaya napatango ako sa dahil sa sinabi n'ya.
"Yeah... it's beautiful." namamanghang sabi ko.
"Reese, stay here. I'm going to pay for the necklace." sabi n'ya pero tumango lamang ako at hindi s'ya pinansin. Naramdaman ko na lang na umalis s'ya sa tabi ko.
"For sure, Ma'am, bagay po sa inyo ang necklace na 'yan." rinig kong sabi ng kaharap ko kaya nag-angat ako ng tingin at nakitang may babaeng nakatayo sa harap ko at nakangiti.
"Talaga?" nakangiting tanong ko.
"Oo naman po. Maganda rin po kasi kayo." sabi n'ya kaya natawa ako.
"Nako! Ikaw talaga, ate, nambola ka pa." natatawang sabi ko at tumingin ulit sa kwintas.
"Hindi po ah!" sabi n'ya at umiling pa kaya nginitian ko na lamang s'ya.
"Ba't hindi n'yo bilhan, Ma'am? Halata naman pong gusto n'yo ang kwintas." sabi n'ya sa akin pero umiling ako.
"Hindi muna siguro sa ngayon." nakangiting sabi ko.
Bibilhin ko na lang ang gan'yang kwintas sa birthday ko. Regalo sa sarili ko kumbaga kaya hindi muna ako bibili. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya tinignan ko ito at nilingon ang humawak sa akin.
"Let's go?" tanong ni Reo kaya tumango. Kaya hinatak ako ni Reo papaalis.
Nagpas'ya na kaming umuwi na dahil gusto ko na rin naman ng magpahinga. Kaya ngayon naglalakad kami sa parking lot papunta sa kotse n'ya. Habang naglalakad kami ay kinausap n'ya ako.
"Thank you." sabi n'ya kaya saglit ko s'yang nilingon at tumingin ulit sa dinaraanan ko.
"For what?"
"Sa pagsama sa'kin."
"Ah... wala 'yon. Maliit na bagay."
Pero aaminin ko, sobrang saya ko ngayong kasama ko s'ya. Mabuti nga at nakaka-akto pa ako ng matino sa harap n'ya. Baka sa sobrang saya ko e, maglumpasay na ako sa sahig. Nang makalapit kami sa kotse ay pinagbuksan pa n'ya ako ng pinto kaya agad akong pumasok at nagsuot ng seatbelt. Pagkapasok n'ya ay nagsuot agad s'ya ng seatbelt at nagmaneho papaalis papunta sa bahay.