Chapter 2

1757 Words
"Kailangan mong pumasok ngayon, Reese. Hindi p'wedeng hindi ka papasok. Alam kong mabigat ang loob mo pero hindi dapat ito ang magiging dahilan para hindi ka pumasok. Atsaka 'di ba tutulungan mo pa si Reo?" dahil sa pagbanggit n'ya sa pangalan ni Reo ay nanlaki ang mata ko at napabitaw sa kan'ya. "Hala! Nakalimutan ko!" natatarantang sabi ko at umalis sa kama. "Careful, bal!" paalala sa'kin ni Ryzk habang tumatakbo ako papunta sa walk-in closet ko para kunin ang towel ko. "Yeah! Yeah!" sigaw ko at pumasok sa banyo. Pero binuksan ko ito ulit at inilabas ang ulo ko. Takang-taka naman na tumingon sa gawi ko si Ryzk. "Thank you for comforting me! Love you, bal!" nakangiting sabi ko sa kan'ya kaya napangisi s'ya at umiling. "Yeah! Love you, too." kaya lumawak pa lalo ang ngiti ko. Nag-flying kiss muna ako sa kan'ya at sinara ulit ang pinto. Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas sa kwarto ko. Wala na rin doon si Ryzk sa kama ko. Siguro ay lumabas na ito. Umupo ako sa tapat ng vanity mirror ko at isinaksak ang blow dryer para patuyuin ang buhok ko. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ay may kumatok ko. "Pasok!" sigaw ko at pumasok ang isa sa mga katulong. Kaya nilingon ko ito habang nagpapatuyo ng buhok. "Miss, ihahanda ko na po ang uniform n'yo." nakangiting sabi n'ya kaya nginitian ko rin s'ya pabalik. "Sure. Thank you." kaya pumunta s'ya sa walk-in closet ko para kunin ang uniform ko habang ako naman ay naglalagay na ng mga kung ano sa muhka ko. Hindi make-up, okay? Mga skin care product ang nilalagay ko sa muhka ko. Pagkatapos ko sa morning ritual ko ay tumayo na ako at lumapit sa kama kung saan nilagay ng katulong ang uniform ko. "Alis na po ako, Miss." sabi n'ya sa akin kaya tumango ako at nginitian s'ya. "Sige, salamat ulit." ngumiti s'ya pabalik at lumabas ng kwarto ko. Ako naman ay nagbihis na agad para makakababa na ako. Pagkatapos kong magbihis ay chineck ko ang laman ng bag kung nando'n lahat ng gamit ko. Nang makita kong nando'n na lahat ay tumingin ako sa full length size mirror ko na nasa tabi lang ng vanity mirror ko at tinignan ang kabuuan ko. Nang makitang maayos na ang itsura ko ay kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto. Pagkapunta ko sa dining area ay umupo agad ako sa tabi ni Ryzk na nagkakape habang nagpipipindot sa cellphone nito. Nasa tapat nito si Ate Eryn na tahimik na kumakain. Si Dad naman ay kumakain din pero alam kong tumitingin ito sa gawi ko pero hindi ko pinansin. Kaya kumuha na lamang ako ng pagkain ko at nagsimulang kumain. Tahimik lang kami sa dining area hanggang sa matapos ang lahat. Kinukuha ko ang nga gamit ko ng kunin sa'kin ni Ryzk ang bag ko kaya nagtatakang napatingin ako sa kan'ya. "Sumabay ka na sa'kin." sabi n'ya sa akin. Kaya tumango ako. Napansin ko na lalapitan ako ni Daddy kaya tumalikod ako. "Mauna na ko sa sasakyan." at naglakad palabas ng bahay papunta sa garahe. Nang makarating ako sa tapat ng kotse n'ya ay hinintay ko si Ryzk dahil alam kong naka-lock pa ang ang mga pinto. Nang makita ko s'yang lumabas ay pinagkrus ko ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko at tinitigan s'ya habang s'ya naman ay nakatingin sa akin at nakataas ang isang kilay. Nang makalapit s'ya sa akin ay natawa na lang kaming dalawa. May pinindot s'ya kaya tumunog ang sasakyan. Pumunta s'ya sa passenger seat at binuksan ang pinto kaya sumunod ako sa kan'ya. Nakangisi s'ya sa akin ng lumapit ako sa kan'ya. Kaya tinaasan ko s'ya ng kilay. "Pasok na." sabi n'ya habang nakangisi sa akin kaya umiling na lamang ako at pumasok. Binigay n'ya muna sa akin ang bag ko at sinara ang pinto. Habang sinusuot ko ang seatbelt ay s'ya namang pasok n'ya sa loob ng sasakyan. Inilagay n'ya sa likod ang mga gamit n'ya at sinuot ang seatbelt. Pagkatapos ay nagdrive na s'ya papaalis ng bahay. Habang papunta kami sa school ay nagsalita ako. "'Diba afternoon class ka? Ba't naging morning class ka na ngayon?" takang tanong ko sa kan'ya. "Nagpalipat ako." sabi n'ya. "Gano'n ba? Okay." bored na sabi ko. Napansin kong napailing na lamang s'ya sa sinabi ko. Nang makarating kami sa school parking lot ay may nakita na akong mga estudyanteng na nakatingin sa kotse ni Ryzk. Sabagay, ilang buwan din ata nilang hindi na kita ang kotse n'ya kaya siguro mga nagulat ang iba rito. Nang tanggalin ko ang seatbelt ko ay kinausap ako ni Ryzk. "Hintayin mo ko, ihahatid kita sa room mo." sabi n'ya kaya tumango ako at lumabas ng sasakyan n'ya. Pagkalabas na pagkalabas ko ay narinig ko ang mga bulungan nila, pero hindi ko talaga alam kung bulungan pa ba 'yon gayong naririnig ko naman 'yon pero binaliwala ko na lamang 'yon at hinintay si Ryzk. Nang makalapit sa akin si Ryzk ay kinuha na naman n'ya ang bag ko kaya hinayaan ko na lamang s'ya. Habang papunta kami sa classroom namin ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante kaya lihim akong sumimangot at napansin naman 'yon ng kakambal ko kaya inakbayan n'ya ako at tinungo dahil nga mas matangkad ito sa akin. "Ba't nakasimangot ang kambal ko?" malambing na bulong n'ya sa akin pero umiling lamang ako. Tinaasan naman n'ya ako ng kilay parang sinasabi n'ya na hindi s'ya naniniwala sa sinasabi ko. Kaya napabuntong hininga na lamang ako. "It's your fault." sabi ko sa kan'ya kaya kumunot naman ang noo n'ya. "Ha? Why me? I didn't do anything." nagtatakang sabi n'ya sa akin. "That's the point, bal. Wala ka ngang ginagawa pero pinagtitinginan ka na ng mga fan girls mo. Naglalakad ka pa lang n'yan, e, parang luluhuran o hahalikan na nila ang nilalakaran mo." nakasimangot na sabi ko pero tinawanan n'ya lang ang sinabi ko. Napansin ko na halos matulala ang mga nagkakagusto rito ng makitang tumatawa s'ya kaya lihim akong napa-irap. "Sabihin mo nga sa'kin..." masungit na sabi ko sa kan'ya kaya tinignan n'ya ako habang nakangisi sa akin at nakataas ang isang kilay n'ya. "Ginayuma mo sila 'no?" nag-aakusang sabi ko kaya natawa na naman s'ya. Hindi ko alam na clown na pala ako, lintek! "Of course not! I won't do that." natatawang sabi n'ya. "Eh, ba't ang daming nagkakagusto sa'yo?" nakataas ang kilay ko ng tinanong ko s'ya n'yan. "Bal, tinatanong pa ba 'yan?" nakangising sabi n'ya sa akin habang tinataas-baba n'ya ang dalawang kilay. Napa-irap na lamang ako sa sinabi n'ya. "Ang kapal!" sarkasmong sabi ko kaya natawa na lamang s'ya. Nang makarating na kami sa harap ng room ko ay agad n'yang ibinigay sa akin ang bag ko pagkatapos ay hinakawakan n'ya ang likod ng ulo ko at hinalikan ako sa noo. Pagkahiwalay n'ya sa akin ay seryoso ang muhka n'ya. "'Wag mo munang isipin ang mga pinag-usapan n'yo ni Dad, okay?" seryosong sabi n'ya kaya tumango ako. "Good." at binitawan ang pagkakahawak sa ulo ko. "Let's have a date tomorrow, bal." nakangiting sabi n'ya sa akin kaya napangiti ako. "Saan naman?" "It's a secret." nakangising sabi nito at umalis kaya napa-iling ako. Ryzk loves to surprise her every time they have a date. It's their bonding time or if they want to relax. Sometimes if we have free time, the three of us, me, Ryzk and ate Eryn, we will hang out. Pero ngayon kaming dalawa lang ni Ryzk dahil alam naming busy si ate Eryn. Atsaka maganda na rin na lumabas silang dalawa para naman kahit papaano ay makalimutan ko ang pinag-usapan namin ni Daddy o kaya ay makapag-isip-isip s'ya sa magiging desisyon n'ya. Pagka-upo ko ay isinandal ko ang likod ko sa sandalan at ipinikit ang mga mata, pinagkrus po ang mga braso ko at huminga ng malalim. Pero narinig kong bumukas ang pinto kaya napamulat ako ng mata at nakita ang guro namin kaya umayos na ako ng upo para sa pagsisimula ng klase namin. Nang magring na ang bell ay agad na lumabas ang huling teacher namin ngayong tanghali. Napahinto na lamang kami sa pag-aayos ng biglang pumasok si Ate. "Class, I have an announcement." Sabi ni ate Eryn. Kaya nagsi-ayos kami ng upo at tumahimik para sa sasabihin n'ya. "Wala na kayong pasok ngayon dahil may meeting ang faculty members. So, we advise you students to go home early. Kung may pupuntahan man, please, tell your parents, so, they don't have to worry, understand?" "Yes, Ma'am!" masayang sabi ng mga kaklase ko. "Okay, you may go." sabi ni Ate at umalis. Kaya nagsitayuan ang lahat ng estudyante at isa-isang umalis. Hinintay ko muna na makaalis sila at nang ako na lang ang matira ay agad akong lumabas. Habang naglalakad ako papuntang elevator ay nakatanggap ako ng text kay Reo. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil bumilis ang pintig ng puso ko. Text lang 'yon, pero gano'n na ang nararamdaman ko. Paano pa kaya kapag malapit na 'to sa'kin? From: Reo I'll wait you in the parking lot. Hindi ko na lamang s'ya nireplyan at agad na lamang sumakay ng elevator. Mabuti na lamang at ako lang ang sakay n'yon. Minsan talaga hindi ako sanay ng may kasabay sa elevator dahil magbubulungan lang naman sila tungkol sa akin o kaya sa kapatid ko kapag nakita nila ako. Pagkabukas ng elevator ay agad akong lumabas at hinanap si Reo. Nakita ko itong nakatayo sa tapat ng kotse ni Ryzk at kausap ang kakambal n'ya kaya agad akong lumapit sa kanila. Napalingon silang dalawa sa akin kaya nginitian ko sila. "May pag-uusapan pa ba kayo? Makakapaghintay naman ako." Umiling si Ryzk at ngumiti sa akin. "Wala na. Nakapag-usap na kami." sabi ni Ryzk at sinenyasan akong lumapit sa kan'ya kaya lumapit ako. Hinawakan n'ya ang likod ng ulo ko at hinalikan ako sa noo. "Mag-iingat ka, okay?" nakangiting sabi n'ya sa akin kaya ngumiti ako at hinalikan s'ya sa pisngi. "I will." sabi ko pagkalayo ko sa kan'ya kaya binitawan n'ya ang ulo ko and he patted my head. "I'll go ahead." sabi n'ya kaya tumango ako. "Okay, take care." Nakangiting sabi ko sa kan'ya. "I will." Sabi n'ya at nilingon si Reo. "Ibalik mo agad s'ya sa'kin, maliwanag?" seryosong sabi ni Ryzk kaya tumango si Reo. "You don't have to worry sa mall lang naman kami pupunta. Ibabalik ko kaagad s'ya sa'yo." nakangising sabi ni Reo kaya tumango si Ryzk at sumakay na sa sasakyan n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD