"Pa'no ba 'yan, Reese? Andaming nagvote. So, kailangan mong gawin." nang-aasar at may malawak na ngiting sabi ng President ng SSG. Kaya napabuga na lamang ako ng hininga sa narinig.
Habang pinag-uusapan ang gagawin sa Valentine's Day, dahil may program ng araw na 'yon ay biglang tinuro ako ng VP para kumanta. Paano ay naalala na naman nila ang video nung kumanta ako sa birthday ni tita Grace na kumalat dito sa school. Nung una ay tumanggi ako kaso ayaw nilang makinig sa akin kaya nagkaron nang voting kung papayag ang mga officer na kakanta ako o hindi. And now, I need to sing in the program.
"Fine." nanlulumong sabi ko.
"Ano ba kakantahin ko?"
"Dunno. Ikaw bahala. Pero I suggest, songs for those people who are in love and songs for the broken hearted." suggest ng Treasurer kaya napatingin kami sa kaniya.
"Duh! Hindi naman kasi ibig sabihin araw ng mga puso ay okay ang iba. Let's just say na, this is our way of..."
"Of?" sabay-sabay naming sabi.
"Sympathising them?" nakakunot na sabi n'ya na parang sinasabi sa amin na,
'Duh! They're heart broken, hindi lang dapat 'yong puro in love pinapanigan natin.'
Kaya nagkatinginan kaming natitirang officer. Pero hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana at talagang may paggan'to pang magaganap. Pero parang kino-consider ko ang suggestion n'ya. For sure, may mga katulad ko rin na sawi kaya ito ang magiging way ko na dinadamayan ko sila.
"Well... Let's consider it. Wala naman sigurong masama." lintanya ng President. Tumingin s'ya sa'kin.
"So? What do you say?" nagkibit-balikat ako.
"I'll consider it." simpleng sabi ko.
Nagpatuloy ulit kami sa meeting para sa gagawin sa Valentine's Day pati sa School Year End Party ay nag-isip na rin mg ideas. Maraming suggestions para sa mga pwedeng gawin sa Valentine's. Pero kailangan pa rin ng approval sa nakakataas para if ever na may hindi pwedeng gawin, malalaman agad. I just hope na matanggap lahat.
Kanina ko pa tinext si Ryzk pero hindi pa rin s'ya nagre-reply. Hindi ko alam kung saan ko s'ya hihintayin dahil sarado na ang cafeteria. Ayoko naman na maghintay sa kan'ya sa parking lot dahil medyo natatakot ako dahil walang katao-tao roon panigurado kaya naisipan ko na lang na sa may coffee shop malapit sa school s'ya hintayin.
Pagkadating ko sa coffee shop ay saktong umulan kaya nakahinga ako ng malalim dahil hindi ako inabutan ng ulan bago pumunta rito. Pumwesto ako sa may glass wall para makikita ko kaagad ang sasakyan ni Ryzk pero tinext ko s'ya na sa may coffee shop na ko sunduin. Habang hinihintay ko s'ya ay umorder ako ng pagkain dahil nagugutom na rin ako.
Naramdaman kong may umupo sa harapan kong upuan kaya napatigil akong kumain at nag-angat nang tingin. Marahan kong naibaba ang kutsara ko dahil sa gulat ng makita ko s'ya.
"Reo..." mahinang tawag ko sa taong nasa harapan ko.
Tama, si Reo nga ang nasa harapan ko. Hindi ako nanaginip. At ano naman ang ginagawa n'ya rito? Makikipagdate? Kung ganun ba't nandito s'ya sa pwesto ko? Marami namang lamesa sa coffee shop. Nananadya ba talaga s'ya?
Tinignan ko s'ya. "Anong ginagawa mo rito?" kaswal na tanong ko.
"Pinapatanong ni Rage kung pupunta ka pa rin daw sa Friday." kaswal din na sabi n'ya.
"Friday?" takang tanong ko.
"Yes, his play is on Friday, three p.m." natigilan ako dahil sa sinabi n'ya.
Baka siguro nagtatanong si Rage ay dahil sa nangyari nung nakaraan. Pupunta pa rin naman ako e, labas ang nangyari sa amin ng kapatid n'ya. Susuportahan ko s'ya sa play n'ya kahit anong mangyari.
"Yes, pupunta ako." sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
Tapos na ko't pero wala pa ring Ryzk na dumadating. Gusto kong mainis kaso baka may dahilan s'ya kung bakit late na s'yang dumating o bakit hindi n'ya ko masusundo. Ni-try kong tawagan si Ryzk pero hindi ito sumasagot. Napabuntong hininga na lamang ako at napatingin sa labas, umuulan pa rin kaya paniguradong mahihirapan ako nitong umuwi, mahirap pa namang humanap nang taxi ngayon at natatakot din akong magcommute.
"Pwede kitang ihatid kung gusto mo." rinig kong sabi ni Reo kaya napatingin ako sa kan'ya at napatingin sa wrist watch ko.
Napabuntong hininga ulit ako at tumango sa kan'ya. "Okay."
Tahimik lang kaming dalawa buong byahe. S'ya naka-focus sa pagmamaneho habang ako ay nakatingin lang sa labas habang hinihintay na tumawag o magreply man lang si Ryzk pero hanggang ngayon, wala akong natatanggap.
Nang makarating kami sa bahay ay tinanggal ko kaagad ang seatbelt ay akmang lalabas nang may makalimutan ako kaya binalingan ko s'ya kaya napatingin s'ya sa'kin.
"Thank you. Ingat ka."
Isang maliit na ngiti ang binigay ko sa kan'ya at lumabas nang sasakyan. Mabuti na lang din at tumila na ang ulan kaya agad akong nakapasok sa loob ng bahay. Napansin kong wala pa rin ang sasakyang ginagamit ni Dad at Ate pero na rito na ang kay Ryzk kaya nagmadali akong pumasok sa loob. Saktong nakasalubong ko ang isang sa mga katulong.
"Nasaan po si Ryzk?" magalang na tanong ko.
"Nasa taas po, nagpapahinga." magalang na sagot nito na ikinanoot ng noo ko.
"Nagpapahinga?"
"Opo, dumating po kasi rito si Sir Ryzk na basang-basa ng ulan. Nung pumunta ho roon si Manang ay ang sabi n'ya nilalagnat daw po ang kapatid ninyo kaya kailangan magpahinga." sabi n'ya.
Bigla akong nag-alala. Kaya siguro hindi ko s'ya ma-contact dahil may sakit pala ito.
"Kumain at uminom naman s'ya ng gamot?" nag-aalalang tanong ko na ikinatango n'ya.
"Opo, sige po, may aasikasuhin pa po ako." paalam nito.
"Sige, salamat po." sabi ko at tumakbo papunta sa kwarto ni Ryzk.
Marahan akong kumatok pagkatapos ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Dim ang buong kwarto ni Ryzk dahil siguro nakabukas lang ang lampshade nito. Hindi malamig sa kwarto n'ya, sabagay, may sakit ito paniguradong nilalamig. Pagkalapit ko sa kan'ya ay nakita ko s'yang balot na balot nang makapal na kumot kaya nilapitan ko s'ya.
May bimpo pa ito sa noo, hindi na ganoong kalamig ang bimpo kaya kinuha ko ito at punta sa banyo para basain ulit. Marahan kong nilapat ang bimpo sa noo n'ya. Hinipo ko ang leeg nito at sobrang init pa rin n'ya. Parang hindi man lang bumaba. Kaya lumabas ako ng kwarto n'ya at pumunta sa kwarto ko para kunin 'yong kool fever. Pagkakuha ko nito sa night stand ko ay agad akong bumalik sa kwarto n'ya at naglagay nang isa sa noo n'ya. Kumuha rin ako ng isa pang blanket baka sakaling makatulong.
Lumabas ulit ako ng kwarto n'ya at bumalik sa kwarto ko para magpalit. Pagkatapos kong magpalit ay agad akong pumunta sa kusina para ipagluto si Ryzk ng pagkain n'ya. Kaso naabutan ko si Manang na gumagawa na ng pagkain ni Ryzk kaya gumawa ako ng tsaa para sa kan'ya baka sakaling makatulong sa paggaling n'ya.
Pagkatapos ni Manang gawin ang pagkain ni Ryzk ay nilagay namin ito sa tray at umakyat na sa kwarto ni Ryzk. Tinulungan ako ni Manang sa pag-akyat at pagbukas nang pinto na pinagpasalamat ko. Pagpasok ko ay dahan-dahan kong binaba tray sa study table n'ya sa tabi ng kama n'ya.
"Ryzk..." I said softly.
Marahan ko rin s'yang niyugyog para magising s'ya.
"Ryzk..." tawag ko ulit.
"Hmm..."
"Gising ka muna para kumain." marahang sabi ko.
Kaya dahan-dahan n'ya minulat ang mata n'ya at tumingin sa'kin.
"Reese..." mahinang sabi n'ya at dahan-dahang umupo kaya inalalayan ko s'ya.
"Sorry..." nanghihinang sabi n'ya.
"Hmm? About?"
"... Sundo."
"Nah. It's fine." sabi ko at kinuha ang bowl. "Kumain ka na."
Pinakain ko s'ya para magkalaman naman ang tyan n'ya at baka sakaling makatulong din sa paggaling n'ya. Pagkatapos n'ya kumain ay pina-inom ko s'ya ng green tea, makakatulong daw 'to sa pagbaba ng lagnat. Nang makalahati na n'ya ang tsaa ay binigay n'ya na ito sa akin.
"Ayaw mo na?" tanong ko at umiling s'ya na parang bata kaya lihim akong napangiti kaya binalik ko ang tasa sa tray.
"Tulog ka na ulit?" tumango naman s'ya na parang bata kaya inalalayan ko s'ya sa paghiga at kinumutan ko rin s'ya.
Nang masiguro kong mahimbing na ang tulog n'ya ay maingat kong kinuha ang tray at lumabas nang kwarto n'ya para mas makapagpahinga s'ya at makapagpahinga na rin ako.