Pagka-uwi namin ni Ryzk sa bahay ay bumungad agad sa'min si Daddy. Mabuti na lang ay maayos na ang itsura ko, halatang hindi ako galing sa pag-iyak kaya thankful talaga ako dahil dinala ako roon ni Ryzk. Dad smile sweetly at us. Nakahawak kasi si Ryzk sa isang kamay ko at ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa braso n'ya. It always a scenario to our family. They said it's so sweet na nagmumuhka kaming couple, lalo na't fraternal twins kami. Though may mga part na magkahawig kami mas lamang talaga 'yung magkaiba.
"My twins..." he softly said at walk towards us.
"Why, Dad?" tanong ni Ryzk. Bumuntong hininga s'ya.
"I'm waiting for the two of you. Kumain na ba kayo?" tumango kaming dalawa.
"Ano po ba 'yon, Dad?" tanong ko.
"Well, your tita Grace inviting us for dinner tomorrow. The two of you are available, right?" nakangiting sabi n'ya kaya nagkatingin kami ni Ryzk.
I gave him a reassuring smile.
"Of course, Dad. We're available tomorrow." nakangiting sabi ko.
"Reese, pwedeng pasuyo naman." sabi sa'kin ni Michelle kaya tinignan ko s'ya. Nakanguso s'ya at nagpuppy eyes sa'kin, hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil sa itsura n'ya.
"Bakit?" bored na tanong ko.
"Pwedeng ikaw na magbalik sa lib?" sabay pakita sa'kin ng libro.
"Pupunta ka naman dun 'diba? Please? Pwede ikaw na lang?" parang bata na sabi n'ya kaya bumuntong hininga na lamang ako at kinuha ang libro. Napangiti s'ya ng malawak.
"Thank you!" sabi n'ya habang nakangiti ng malawak sa'kin.
"Basta ikaw bibili ng pagkain ko." sabi ko.
"Sure, libre ko pa." sgad n'yang sabi kaya nginisian ko s'ya.
"Sabi mo 'yan."
"Chicken burger and juice, right?"
"Yep. Alis na ko. Sabay ka palabas?" tanong ko pero umiling s'ya.
"Nope, mauna na ka na. Aayusin ko pa gamit ko." sabi n'ya kaya tumango ako at naglakad palabas ng room.
Pagkapasok ko sa loob ng library ay lumapit agad ako sa libriarian at binalik 'yung mga libro na hiniram namin. Pagkatapos kong ibalik ay nagpaalam ulit akong hihiram ng libro kaya agad akong pumunta sa pinuntahan ko last time nung humiram ako ng libro. Mabuti na lang may mga fiction story sila rito pero nasa dulo pa 'yon kaya pumunta ako sa dulo kaso napahinto rin ako dahil may narinig akong ingay. Hindi naman s'ya malakas. Actually mahina nga lang s'ya e pero kung malapit ka maririnig mo agad kaya dahil na curious ako ay sumilip ako pero pinagsisihan ko rin. Sana hindi ako sumilip.
Reo kissing other girl. Here, in the library.
Gusto kong umalis pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Ayaw nilang makisama. Nakakainis. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin. Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko ay agad ko silang pinunasan. Nang makalma ko ang sarili ko ay umalis na ako sa library at hindi na lumingon. Pagkarating ko sa room ay nandun na si Michelle kaya agad akong nagpanggap na okay, na parang walang nangyari.
Pagkarating namin ni Ryzk sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto para ayusin ang susuotin ko. I take half-bath and fix myself. I'm wearing a white dress with a sleeves na hanggang siko, I wore a beige stilletos, and my hair style is just ponytail. Hindi na rin ako masyadonh naglagay ng make-up, just liptint.
Nang makita kong ayos na ako at kumpleto na ang gamit ko ay agad akong bumaba. Ako na lang pala ang hinihintay kaya ng bumaba ako ay agad din kami pumunta sa sasakyan.
Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kabadong-kabado ako kahit ilang beses na namin silang nakasama hindi pa rin talaga mawala-wala 'yung kaba ko. Hinawakan ni Ryzk ang kamay ko kaya kahit papa'no ay kumalma ako.
Nang makarating kami sa bahay nila ay lihim akong huminga ng malalim. Sinalubong kami nila Tito't Tita. After we greet each other they decided to go to the dining area. Nakaupo na sila Reo at Rage doon kaya umupo na rin kami nila Dad. I also greet the two of them. Nagpanggap akong okay ako nandito na nakikita ko si Reo pero naninikip na ang dibdib ko dahil nagpapa-ulit-ulit sa isip ko 'yung mga nakita ko kapag nakikita ko s'ya.
Nagsimula kaming kumain. As always, they talk about business. What they will do when our company emerged. Tahimik lang kaming apat dahil sinasali nila si Ate. Natigil lang ako sa pagkain nang kausapin nila ako.
"Reese, may mga idea ka na ba?" tanong sa'kin ni Tita.
Natigilan ako sandali pero agad ko ring nginitian si Tita.
"Uhm... Pwede ko po ba kayong maka-usap mamaya?" magalang na tanong ko habang tinitignan sila.
"Lahat ba kami?" tanong ni Tita.
I smile a little. "Except for Rage." I glanced at the boy sitting beside Reo and look at their parents again.
"And I want us to talk privately po sana. If that's okay?"
Nagkatinginan sila bago tumingin ulit sa'kin.
"Sure. Sa office ko after dinner." sabi ni tito Art kaya ngumiti ako at tumango.
Alam kong nagtataka sila pero pumayag pa rin sila. Maybe they sense that I will talk to them seriously kaya hindi na rin sila nagtanong pa.
After dinner ginaya kami ni tito Art sa office n'ya. I'm holding Ryzk hands like my life depends on it dahil kabadong-kabado ako at alam kong alam n'ya 'yon dahil sa lamig ng kamay ko. Pagpasok namin sa office ni Tito ay umupo kami sa may couch. I'm sitting beside Ryzk at malapit kami sa may pintuan, nakaupo si Ate sa left side ni Ryzk at si Dad naman ay nakaupo sa left side ni Ate. Si Tito ay nasa single couch na nasa gitna habang si Tita and Reo ay nasa kabilang side, kaharap namin.
"So, Reese?" tawag sa'kin ni Tito kaya napatingin ako sa kan'ya.
"What do you want to talk about?" tanong n'ya sa'kin kaya napatingin ako kay Ryzk na nakatingin din pala sa'kin.
Naramdaman kong pinisil n'ya ang kamay ko kaya pinikit ko ang mga mata at humugot ng hininga para ikalma ang sarili ko.
"Tito, Tita, Dad," tawag ko sa kanila at mas lalo silang naging attentive.
Huminga ulit ako ng malalim.
"I want to stop the engagement." I said. Loud and clear.
Ayoko na. Ititigil ko na ang kahibangan na 'to. Hindi ako papasok sa isang relasyon na puro laro. Ayoko. Kahit mahal ko s'ya, pero hindi ako tanga.
Gulat na gulat silang lahat sa sinabi ko. Nakakagulat naman talaga. Siguro akala nila na about 'yon sa engagement na gaganapin sa birthday namin ni Ryzk pero hindi.
"W-why? Reese? What are you talking about?" tanong ni Tita, halata sa boses n'ya ang pagkagulat.
Nilabas ko ang puting envelope na naglalaman ng mga larawan at inilagay iyon sa lamesa. Napatingin sila roon kaya agad itong kinuha ni Tita at tinignan ang loob. Pagkakita n'ya ay lalong nanlaki ang mata ni Tita kaya agad n'yang kinuha ang mga larawan at isa-isa 'tong tinignan. Pagkatapos n'yang tignan ay marahas n'ya itong inilapag sa mesa at galit na tumingin kay Reo na nakatingin lang sa mga larawan.
Larawan ni Reo na may kasamang mga babae. Kapag nakikita ko s'yang may kasamang mga babae ay lihim ko s'yang kinukuhanan nung una nagtataka pa ko kung bakit ngayon alam ko na. Para mapakita ko sa kanila kung bakit ayaw ko ng ituloy ang engagement na gustong-gusto nila.
"Ayan po 'yung rason kung bakit ayoko na pong ituloy. Ayoko pong magpakasal sa lalaking nakikipaglaro kahit alam n'yang engage na s'ya." sabi ko habang tinitignan sila na nakatitig sa mga larawan.
"Hindi ko po s'ya sinusundan." sabi ko kaya napatingin silang lahat sa'kin.
"Kusa ko pong nakikita." dugtong ko habang nakatingin kay Reo na nakatingin sa akin ng walang emosyon.
"Reo!" galit na tawag ni Tito sa anak n'ya kaya tinignan ko silang mag-asawa.
"Sana po maintindihan n'yo kung bakit ayoko na pong ituloy ang engagement." magalang na sabi ko sa kanila kaya tumango si Tita.
She looked at me apologetically. I gave her a small smile.
"I... It's okay. I'm sorry, Reese." Tita apologized.
I looked at my father who's still shock. "Dad," I called him kaya napatingin s'ya sa'kin.
"I'm sorry but I can't fulfill Mom's wish."
Tumayo ako.
"I'm sorry." Sabi ko at umalis.
Atsaka lang nagsilabasan lahat ng luha ko. Hindi ko alam na may ilalabas pa pala ako. Akala ko ubos na kahapon, hindi pala. Habang pinupunasan ko 'yung muhka ko dahil sa mga luha ko ay may biglang marahang humatak sa braso ko kaya natigil ako sa paglakad at napaharap sa humatak sa'kin.
"Reese, let's talk."