NAGULAT si Fay dahil paglabas niya ng bathroom ay binibihisan na ni Storm ang mga anak. Magmula nang malaman nito ang tungkol sa kambal ay hindi na ito umuwi at doon na ito namalagi. Nagugulat na lang siya dahil may bigla na lang dumarating ng delivery ng damit para dito. “Ano na namang plano mo, Storm? Bakit ganiyan ang bihis ng mga bata?” nagtatakang tanong niya rito. Weekend ngayon kaya gusto sana niyang magpahinga na lang muna sa bahay. Pero itong lalaking ‘to mukhang walang kapaguran sa buhay. “Please lang, gusto ko munang magpahinga. Halos araw-arawin mo naman kasi ang alis. Hindi naman na kami mawawala ng mga bata.” Tumayo ito ng diretso nang matapos nang isuot ang sapatos ni Iera. “My Dad would have to know about the twins,” seryosong wika lang nito. “Magiging busy na ako at hin

