HABANG kasamang naglalaro ng mga bata ang Lolo Sandro nila ay lumapit si Fay at kinausap si Storm. Hindi kasi talaga siya matahimik at alam niya na ito ‘yong dapat niyang gawin. “Storm, parang gusto kong kausapin si Mama,” nag-aalangang wika niya rito. “Seryoso ka ba, Fay?” hindi makapaniwalang tanong nito nang ma-realize kung sinong ina ang tinutukoy niya. “Ni ayaw ka nga niyang makita na narito tapos gusto mo pa siyang kausapin.” “Naniniwala ako, Storm, na kahit hindi niya ako tunay na anak, eh, totoong minahal naman niya ako, I just want to fix everything between us before we start to plan our wedding,” malungkot na paliwanag naman niya rito at napabungtong-hininga na lang ito. “Gusto ko kasi naroon din siya.” “Go ahead, alam ko naman na kahit anong sabihin ko wala akong magagawa pa

