DALAWANG araw na ang nakakalipas ay hindi pa rin nakakapag-decide si Fay kung ano ba ang dapat na maging desisyon niya. At mula din nang araw na ‘yon ay hindi na siya nakausap ng maayos ni Storm. Alam din naman ni Storm na nahihirapan magdesisyon ang dalaga sa sitwasyon napasukan nila at kung ang lalaki ang tatanungin ay mas gusto niyang siya pa rin ang piliin ni Fay pero hindi niya kayang tagalan ang lungkot na nakikita sa mga mata nito. Iyong kasama nga niya ang dalaga pero wala sa kaniyang ang isip at puso nito. Kaya hindi na hinintay ni Storm ang desisyon ni Fay at ang binata na mismo ang nag-desisyon para sa dalaga. Pinaandar ni Storm ang yate pabalik sa Sta. Ana seaport. “Saan tayo pupunta, Storm?” nagtatakang tanong ni Fay sa binata nang maramdamang pinaandar na nito ang yate. “

