“SERYOSO ka ba talaga na lalayo ka na muna dito, Fay?” tanong sa kaniya ni Candice. Pagtapos niya malaman ang buong katotohanan na totoong magkapatid sila ni Storm ay agad siyang dumeretso sa kaibigan para sabihin dito ang lahat ng nalaman. “I don’t have any choice, Cand, saka ito ‘yong magpapatahimik sa mga magulang namin. At pagtapos kong malaman ang lahat hindi ko na alam kung paano ko pa rin haharapin si Storm, hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman na ganitong mahal ko siya na higit pa sa isang kapatid,” naiiyak na tugon niya sa kaibigan. Sa totoo lang ay natatakot siyang humarap dito dahil baka hindi na niya magawang bitiwan pa si Storm kapag nagkita silang dalawa. Para sa kaniya tama na yung pananakit na nagawa niya sa Mam

