HINGAL na hingal na binuksan ni Storm ang pintuan ng silid kung saan naroon ang Mama ni Fay, halos hindi na nga niya nai-park ng maayos ang sasakyan niya dahil sa kamamadali niya. Excited siyang makausap at makita si Fay dahil pakiramdam niya isang buwan niyang hindi nakasama ang dalaga. “Storm!” gulat na tawag sa kaniya ni Genevieve, nagsalubong ang kilay niya nang makita roon ang dalaga. “Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong niya dahil parang imposible namang nag-aalala ito sa Mama ni Fay. “Well, pinakiusapan lang kasi ako ni Tito Sandro na bantayan saglit si Tita Kendra since walang ibang pwedeng gumawa no’n.” “Tita Kendra?” mas nagtaka siya sa paraan ng pagtawag nito sa Mama ni Fay. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawang babaeng nasa loob ng silid. Pero nang maalala n

