RAMDAM na ramdam ni Fay ang pagod nang makapasok na sila ng condo nila. Dahil sa unang beses lang nakasama ni Storm ang mga bata ay kung saan-saan sila nagpunta. Ibinili nito ng mga damit at gamit ang kambal sa department store pagtapos mga laruan sa toy store. Hindi pa ito nasiyahan at dinala rin sila sa amusement park. “Saan ko ilalagay ‘tong mga ‘to, Fay?” tanong ni Storm na ang tinutukoy nito ay ang mahigit 15 paper bags yata na hawak nito na siyang mga gamit na pinamili nila. Pero hanga rin naman siya rito dahil kahit napakarami nitong bitbit ay nagawa pa rin nitong buhatin si Silas. “Ilapag mo na lang diyan, Storm, bukas ko na lang ‘yang aayusin dahil pagod na ‘ko,” reklamo naman niya rito nang maibaba na niya si Iera sa couch katabi ni Silas at hinubad na rin niya ang sapatos niya

