PAGLABAS ni Fay ng pintuan ng opisina ni Storm ay napasandal pa siya roon at wala sa loob na napahawak sa labi niya. Hindi niya akalain na sobrang lakas din ng t***k ng puso niya sa nangyari at kung hindi siya nakapagtimpi baka kung saan na umabot ang ginagawang iyon ni Storm. That was not the right place and that was not the right time. “Ms. Fay, may problema po ba?” nag-aalalang tanong sa kaniya ng sekretarya ni Storm. “Ha? Wala naman,” tanggi naman niya rito. “Ah, eh kasi po, bukas ‘yong butones ng blouse ninyo…” nag-aalangan na wika nito kaya napatingin naman siya sa damit niya at oo nga dahil hindi niya napansin na natuluyan pala ang pagbubukas noon ni Storm. “Ah, thank you.” Mabilis niyang isinara ang butones niya. “Medyo masikip na kasi kaya bumubukas na siya ng kusa,” pagdadahi

