Cassie’s POV First night namin sa mansion bilang parents. Akala ko mas madali compared sa hospital kasi andito na kami sa comfort ng bahay… pero mali ako. Iba pala yung pressure kapag alam mong wala kang kasamang mga nurse na pwedeng saluhin ka anytime. Dito, kahit may mga staff, alam kong hindi nila pwedeng gawin yung trabaho namin bilang magulang. Magdamag, iyak dito, iyak doon. Si Elias yung unang nagising, umiiyak na parang galit na galit. Habang si David abala sa pagpalit ng diaper niya, biglang sumunod si Adrian na parang ayaw magpatalo. At syempre, hindi nagpahuli si Isla. Tatlong baby. Tatlong kailangan naming alagaan. Humigpit ang kapit ko sa unan habang pinapanood si David. Pawisan siya, nakasuot lang ng loose shirt at pajama pants, pero grabe parang ibang level yung focus

