Cassie’s POV Pagmulat ko kinabukasan, una kong narinig yung mahihinang iyak sa tabi ko. Hindi pa man ako nakakapihit, ramdam ko na agad yung kilig at kaba na parang sumasabog sa dibdib ko. Paglingon ko, muntik na akong mapangiti kahit sobrang sakit pa ng katawan ko. Si David, nakaupo sa couch, hawak-hawak ang isa naming kambal. Nakalapat yung maliit na dibdib sa dibdib niya habang marahan siyang humuhuni, parang lullaby. Seryoso yung mukha niya pero ang lambing ng kilos. Para bang sanay na sanay. “Good morning, Love,” bulong niya nang makita niyang gising na ako. Mahina yung boses niya, parang takot magising yung anak namin. “Pahinga kapa ako nang bahala sa mga anak natin Napapikit ako saglit, pilit tinatago yung luha. “You look different,” sabi ko mahina. “Parang full-time daddy na

