Geraldine Pagkatapos ko siyang iwan sa restaurant na iyon, hindi na kami muling nagkita. Masakit sa akin na iwan siya pero iyon ang desisyon niya. Umiyak pa din ako pero hindi tulad ng dati. Mas matatag na ako ngayon. Umiyak man ako pero kaya ko ng kontrolin ang emosyon ko. Lahat ng natutunan ko kay Dexter, nai-apply ko na sa sarili ko. Tama naman kasi siya sa lahat ng itinuro niya. Hindi ko kailangang magmukmok, tuloy pa din ang buhay kahit durog na durog pa rin ang puso ko. Kahit na iniwan ako ni Dexter napagtanto kong siguro nga dapat lang iyon sa ngayon. Masyado na din akong naging dependent sa kanya. Oo, malaki ang naitulong niya para maka-move on ako. At nasanay ako na nasa tabi ko lang siya palagi. Dapat sanayin ko din ang sarili ko na maging matatag kahit walang tumutulon

