Dexter Sa totoo lang kanina pa nagngingitngit ang puso ko at gusto kong manapak ng tao. Ikaw ba naman ang sabayan sa pagporma sa girlfriend mo, hindi ka ba maiinis? Matalim ang tingin ko sa lalaking kasabay kong pumasok ng bakeshop. May hawak itong bulaklak gaya ng dala ko--- white roses. At hindi ako maaaring magkamali, ito ang ex boyfriend ni Geraldine. Sabay kaming naghihintay sa paglabas ni Geraldine. Nasa loob kasi siya nang baking area at tinatawag ni Dessa. Bakit ba ang kapal ng mukha ng lalaking ito na magpakita pa rito at worst makipagsabayan pa sa akin? Mukhang hinahamon ako ng lalaking ito a. Akala niya ba magpapatalo ako ng ganoon na lang sa kanya? Nakaapron pa si Geraldine nang lumabas, hila-hila ni Dessa ang braso niya. Mukhang hindi na niya natanggal ang unifo

