Paolo "Sorry na lang ba ang kaya mong sabihin pagkatapos ng lahat ng ginawa mo?" "It's too late, Paolo. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Sanay na akong wala ka at may bago nang pumalit sa pwesto mo dito sa puso ko." "Sorry pero hindi na kita mahal. Makakaalis ka na." Iyan ang mga salitang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko. Mga sinabi ni Geraldine na hanggang ngayon hindi maalis sa isip ko. Ang sakit pala. Ang sakit palang marinig sa isang tao ang salitang hindi na kita mahal. Parang dinurog ang puso ko nang sabihin niya iyon. Hindi ako pala-iyak na tao. Kung maaari, hindi ko pinapakita sa kanyang nasasaktan ako pero nung sabihin niya sa akin iyon, hindi ko napigilan ang mga luha ko. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang ni-reject ako ni Geraldine. Mahal na ma

