Chapter 19: Lesson #7: Focus!

1132 Words

- Focus on the things you have to do. Make yourself busy! Don't let your heartache ruin your career/ studies.  Dexter   PAGKATAPOS KONG isara ang clinic ko, nagpasya na akong puntahan si Geraldine sa bakeshop niya. Ilang metro lang ang layo ng bakeshop niya sa dental clinic kaya mabilis akong nakarating.   Katatapos lang niyang magsulat sa logbook nang dumating ako para sunduin siya.   "Nandito na ang prince charming mo, Gerry." Kantyaw ni Dessa nang lumapit ako sa counter kung saan siya naroon. Lumingon siya sa akin saka isinara ang logbook. Nginitian niya ako.   "Are you done?" tanong ko. Tango lang ang itinugon niya. "Let's go?"   "Okay,” sabi niya saka kinuha ang shoulder bag. Binalingan niya sina Dessa at France. "Uwi na ako, ha? Kayo na ang bahalang magsara ng shop."   "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD