- the best way to Move On is to serve the Lord first and ask for His guidance. Geraldine SA WAKAS official boyfriend ko na si Dexter. At masaya ako dahil napatunayan kong kaya ko nang magmahal ulit. After all the heartaches of the past, may masayang future na akong kinakaharap. I know, masyadong mabilis kung sasabihin kong siya na ang future ko pero sa ngayon, ine-enjoy namin ang company ng isa't isa. Extra sweetness at more bonding. Nabawasan na talaga iyong pagtatalo naming dalawa. Nasanay na ako sa pagiging moody niya. Pagkatapos ng kasal ni Jonah, nag-flight na sila ni Steven sa Hongkong kinabukasan. Doon daw sila magha-honeymoon. Doon na rin sila magki-Christmas together. Ang sweet. Nakakainggit. Si Grachelle naman, ayon at mukhang war zone na naman sila ni Kyle. Wa

