Geraldine
NAG-COMMUTE lang ako patungo sa condo ni Paolo. Malapit lang naman ang condo niya sa subdivision na tinitirhan ko. Mga fifteen minutes siguro ang biyahe kaya nag-taxi na lang ako. Tulala pa rin ako habang nasa byahe. Iniisip ko pa rin kung anong mangyayari sa pagkikita namin.
Magkakabalikan ba kami? Sana naman.
Sinubukan ko siyang tawagan pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko. Busy ba siya? Hindi naman siguro dahil mamaya pa namang gabi ang schedule niya sa radio. Ala una y medya pa lang naman ng hapon.
"Nandito na po tayo, Miss," sabi ng taxi driver na nasa kwarenta na yata ang edad. Tumigil na pala ang taxi sa tapat ng Gold Tower Condominium ng hindi ko namamalayan dahil sa layo ng narating ng aking isipan.
Ngumiti naman ako at inabot ang bayad bago bumaba ng sasakyan. "Thank you po, Kuya."
Pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng malaking building na iyon na sa tantiya ko ay nasa apatnapung palapag ang taas. Nakakalula siguro kung naroon ka sa tuktok niyon. Makailang beses akong bumuntong-hininga bago nagpasyang humakbang patungo sa loob ng building na iyon at tahakin ang kinaroroonan ng elevator.
Kung ano-ano na namang pumapasok sa utak ko. Ngayon lang ulit ako tumuntong sa building na ito pero alam ko pa kung saan ang unit niya kaya pinindot ko ang 23rd floor.
Nang tumunog ang elevator, hudyat na tumigil na ito sa palapag ng pinindot kong numero ay lumabas na ako at tinungo ang unit ni Paolo. Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago pinindot ang doorbell sa labas ng unit nito.
Halos malaglag ang aking panga nang bumungad sa harapan ko ang halos h***d na katawan ni Paolo. Amoy na amoy ko rin ang sabong ginamit nito. Halatang katatapos lang nitong maligo dahil may tumutulo pang tubig sa buhok nito.
Napalunok ako nang dumako ang aking tingin sa dibdib niyang medyo nakalabas sa suot nitong bathrobe. Mabilis akong nagtakip ng mata at tumalikod. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng aking mukha.
Matagal na kaming magnobyo pero ngayon ko lang siya nakita sa ganitong ayos. Alam niya kasing masyado akong conservative kaya hindi niya ginagawang ipakita sa akin kahit ang kalahati ng katawan niya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "You're still naive, Gerry."
Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin sa kanya bago tuluyang humarap dito na nakatakip pa rin ang mga palad sa aking mukha. Nakasilip lamang ako sa konting awang na ginawa ko sa pagitan ng aking mga daliri.
Lalong lumakas ang tawa niya na para bang nag-e-enjoy pa siyang makita ako na parang inosenteng daga na nakakita ng h***d na pusa. Napansin ko namang binalot na niya ang sarili sa bathrobe na suot, hindi na kita ang dibdib nito. Napabuga tuloy ako ng hangin at parang nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong nito matapos tumawa.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "P'wede ba kitang makausap?"
"Ano pang gusto mong pag-usapan natin? Hindi ba't malinaw na sa'yo ang lahat, wala na tayo," anito na muling nagpasikip ng dibdib ko. Nais kumawala ng luha sa mga mata ko dahil sa aking narinig pero pilit kong pinigilan ito.
Mabilis kong hinawakan ang kanyang braso. "Baka p’wede pa nating ayusin ito. Huwag mo namang basta itapon na lang ang pinagsamahan natin."
"We can't fix this anymore, Gerry. We're really over. Hindi na kita mahal."
Ang mga salitang iyon ang lalong dumurog sa puso ko. Paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon ng ganoon kadali? At kahit anong pilit ko, hindi ko matanggap ang rason na iyon para basta na lang niyang iwan ako.
"Nakikiusap ako. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang." Tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko. I'm too desperate to win him back. All I know is that I really love him and I want to be with him.
Nakita ko ang biglang pagkislap ng mga mata niya at ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. "Gagawin mo lahat?"
"Oo. Lahat. Huwag ka lang mawala sa akin." Sunod-sunod na tango ang isinagot ko.
"Okay, halika, sa loob tayo mag-usap." Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at saka inalalayan akong makapasok sa loob ng kanyang unit. Narinig ko pa ang pag-click ng seradura ng pinto senyales na naka-lock ito.
Oh God, tama ba itong ginagawa ko?
Abot-abot ang kaba sa dibdib ko nang makaupo sa sopa. Minsan lang ako pumunta rito. Kahit walong taon kaming magkarelasyon bihira akong sumama sa kanya sa condo. Madalas na may mga kasama kami kapag napapapayag niya akong magpunta rito.
Tumabi sa akin si Paolo at tinitigan niya ako na para bang may ibig ipahiwatig. Muli akong napalunok nang unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi na ako nakatanggi nang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Mariin na wari'y sabik na sabik. Hawak niya ang aking pisngi at napakapit naman ako sa kanyang braso. Namalayan ko na lang ang aking sarili na gumaganti sa kanyang halik. Pinikit ko aking mata at ninamnam ang tamis ng halik na iyon. Mahal na mahal ko ang lalaking ito at mababaliw yata ako sa tindi ng halik na pinaparanas niya sa akin. Pakiramdam ko ang nanghihina ang aking buong katawan. Ngayon lang namin nagawa ang ganitong klaseng kahabang halikan. Oo, weird. Pero kahit walong taon na kami ni Paolo ay halos wala pang limang segundo kung maglapat ang mga labi namin noon.
Naramdaman ko ang dahan-dahang pagpasok ng kamay niya sa loob ng aking blouse. Paakyat ang kamay niya sa aking dibdib.
Oh my God! sigaw ng isip ko. Tila may kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Para rin akong napapaso kaya't napasinghap ako. Hinihingal na naitulak ko palayo si Paolo, dahilan para mapatigil siya sa kanyang ginagawa.
"What's wrong?" tila iritableng tanong niya.
Hindi agad ako nakaimik.
Ano bang sasabihin ko? Kinakabahan talaga ako dahil parang alam ko na kung ano ang binabalak niya.
Yumuko lamang ako at hindi pa rin makasagot. Iniangat niya ang aking mukha at itinuloy ang paghalik sa akin. Mula sa labi pababa sa may punong tainga. Hindi ko na talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong napapaso sa init ng hininga niya na dumadampi sa balat ko. Natataranta ang isip ko. Tumutol ito ngunit ang puso ko ay pumapayag sa nais niyang mangyari.
"W-wait, Paolo." Nanaig ang isip ko at muli ko siyang itinulak.
Kitang-kita ko ang pagdilim ng kanyang mukha. "Why?"
"It's wrong."
"There's nothing wrong with s*x Gerry. It's normal," halos pabulyaw na sabi niya at saka akmang hahalikan na naman ako ngunit iniiwas ko ang aking mukha at ibinaling sa kabilang direksyon. "Ano ba, Gerry?" Mas lalong tumaas ang boses niya na kinagulat ko.
Bigla akong nakaramdam ng takot.
"Akala ko ba gagawin mo ang lahat para magkabalikan tayo?"
"O-Oo p-pero hindi sa ganitong paraan, Paolo. Hindi pa ako handa," mangiyak-ngiyak na sabi ko.
"Damn it!" mura niya na lalo kong ikinagulat. Parang hindi siya ang Paolo na kilala ko. Hindi ko pa siya narinig magmura noon kahit isang beses. Nakita ko na siyang magalit pero hindi siya nagmumura sa harap ko kahit minsan. "Eight years na tayo pero hanggang ngayon `di ka pa handa? Hindi ka na bata! Twenty four years old ka na pero virgin ka pa rin!"
Ano bang ibig niyang sabihin? s*x at virginity ko lang ang gusto niya?
Nanlaki ang mga mata ko at biglang nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo sa aking ulo at bigla ko na lamang naitaas ang aking kamay ay malakas na isinampal iyon sa kanya. "How dare you to say that? Virginity ko lang ang ba gusto mo? Kaya ba nakikipaghiwalay ka sa akin dahil hindi ko maibigay ang sagot sa init ng katawan mo? Ang tanga ko para mahalin ka nang sobra-sobra. Hindi ko akalaing pinagtitiyagaan mo lang pala ako para makuha ang gusto mo!"
Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Hindi niya siguro akalaing sisigaw ako at magagalit sa kanya. Ngayon lang din niya ako nakitang ganito. Kahit minsan, hindi ko pa siya nasisigawan. Ni hindi ko magawang magalit sa kanya noon kahit ilang beses ko nang napapansin ang mga pambabalewala niya sa akin noon. At kahit pa may naririnig na ako noon na kung ano-anong balita tungkol sa kanya. Hindi ko iyon pinapaniwalaan. Nagtiwala ako sa kanya at pinalampas ko ang lahat dahil mahal ko siya.
Hinablot ko ang bag na nakapatong sa sofa at mabilis na tinungo ang pinto. Hawak ko na ang seradura nang pigilan niya ako sa aking braso.
"Sandali lang, Gerry..."
Tuluyan ko nang nabuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang babae. Fully make up ang itsura nito, suot ang maikling palda at blouse na halos iluwa na ang dibdib nito. Saglit na kumunot ang aking noo ngunit hindi ko na lang din pinagtuunan ng pansin at tuloy-tuloy ako sa paglabas ng condo unit ni Paolo.
"Sweetheart! Did you miss me?" malanding boses na sabi ng babae.
Hindi pa naman ako nakakalayo kaya rinig na rinig ko rin nang sumagot si Paolo.
"Of course. I really miss you, Sweety."
Lumingon ako kaya't kitang-kita ko kung gaano katamis ang ngiti niya nang makita ang babae. Kitang-kita ko rin kung paano pinulupot ng babae ang braso niya sa leeg ni Paolo. At kung paano niyakap ni Paolo ang baywang niyon at maalab na hinalikan.
Sunod-sunod na bumagsak ang kanina'y pinipigil kong mga luha. Patakbo kong tinungo ang elevator pababa sa unit na iyon. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Harap-harapang pinamukha ni Paolo sa akin kung gaano ako katanga. Ni hindi man lang ako naghinala na may ibang babae na siya. Babaeng kayang-kayang ibigay ang gusto niya.
Naglakad ako nang naglakad matapos makalabas sa unit na iyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang gusto ko lang ay maglakad nang maglakad. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Tanging nasa diwa ko ay ang dalawang naghahalikan sa harap ko. Kahit may nababangga na ako ay wala akong pakialam. Tulala lang ako habang takbo-lakad ang ginagawa. Walang direksyon ang mga paa ko. Bahala na kung saan ako dalhin nito.
How could he do that to me? Ganoon na ba ako katanga para hindi malamang ganoon lang ang habol niya sa akin? Gerry, ang tanga-tanga mo! Eight years kang nagpakatanga! Boba ka!
Paulit-ulit na sinisisi ko ang aking sarili dahil nangyari. Siguro nga kasi, kasalanan ko naman talaga dahil nagpakatanga ako. At katangahan nga sigurong magmahal ng sobra lalo na sa lalaking s*x lang ang habol sa'yo.
Nakakaramdam na ako ng hilo. Unti-unting dumodoble ang mga nakikita ko sa aking paligid. May nakikita akong matandang palapit sa akin pero hindi ko na maaninag ang kanyang mukha. Hanggang sa unti-unti nang nagdidilim ang buong paligid at unti-unting nanghina ang aking mga tuhod.