-ang pagmo-move on ay gaya ng paglalakad... hindi paurong kundi pasulong! Geraldine "Hoy Ate!" panggugulat ni Grachelle sa akin. Napatulala na pala ako. Nakaupo ako sa kanya habang nakatingin sa celphone ko. Si Grachelle naman ay kalalabas lang ng banyo at katatapos lang mag-half bath. Naka-bathrobe pa ito at amoy na amoy ang sabong ginamit nito. "Iniisip mo pa rin ba ang pagpunta ni Paolo dito kanina?" tanong pa nito nang hindi man lang ako nag-react sa panggugulat niya. Nilingon niya ako habang naghahanap ng damit pantulog na isusuot. Nasabi ko na sa kanya ang pagpunta ni Paolo. At buti na nga lang daw at hindi niya naabutan kundi ay sangkaterbang mura ang aabutin nito sa kanya. "Alam mo huwag mo na siyang isipin, panggulo lang iyon sa lovestory ninyo ni Dex eh," dug

