Geraldine "Ano? Bakit tinanggihan mo ang proposal ni Dexter?" gulat na tanong ni Grachelle sa akin kinabukasan. Nakaupo kami ngayon sa kama at naka-indian sit. Ayaw pa kasi niyang matulog hanggang hindi ko kinukwento sa kanya ang first official date namin ni Dexter. "Eh kasi naman, parang ang bilis-bilis. Kaka-one month pa lang namin 'di ba?" "Ano ka ba? Hindi naman sa tagal 'yun 'no? As long as mahal ninyo ang isa't isa." "Yan nga rin ang sinabi niya eh, pero sabi ko pag-iisipan ko. Kaya kahit hindi ako umoo sa kanya, isinuot ko pa rin itong singsing na binigay niya," sabi ko sabay taas ng daliri ko kung saan nakasuot ang singsing. At hindi rin naman maalis ang pagkakangiti sa mga labi ko habang inaalala ang proposal niya na iyon. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko

