Episode 02

1587 Words
"Elle saan ba kasi tayo pupunta?!" iritadong tanong ni Kedrick. Isang linggo simula ng dumating siya dito sa bayan namin, palagi siyang nasa bahay kulang na lang siguro ay dito na siya tumira saamin. Wala siyang ginawa kundi ang kulitin ako ng kulitin na pumunta kami sa may dalampasigan. Eh, napakalayo noon saamin kailangan pa sumakay ng trycicle makapunta lang doon. "Bilisan mo ang lakad pupunta at kanina pa tayo inaantay nila inay" sabi ko saka binilisan ang lakad. Kanina pa siya reklamo ng reklamo na sobrang taas daw ng tuhod hindi ko naman kasalanan na siya itong nagsuot ng isang puting T-shirt at nagsuot pa ng pants. Mabuti na lang at may extra kaming bota. "Elle antayin mo naman ako, ang dumi dumi na ng damit ko!" sigaw niya mula sa malayo, pawis na pawis. Napairap na lang ako sa sobrang pagkairita. Sabi ko ay wag na siyang sumama dahil ang putik ay abot tuhod. Pagkalapit ko sa kanya ay hinawakan ko siya saka inalalayan paalis doon. Mabigat na nga dala ko pabigat pa ang kasama ko. Napahinto kami sa kalagitnaan dahil sa pagod, sobrang taas ng sikat ng araw ngayon. Napatingin ako kay Kedrick na pawis na pawis na at hingal pa. Sobrang putik na nito ng suot. "Kaya mo pa ba?" tanong ko. Tumingin lang siya saakin at tumango. Muli na naman kami nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad ako ay bigla ko na lang siya narinig na sumigaw sa likod, paglingon ko ay nakasalampak na pala siya sa putikan. "Anong gaguhan yan Drick?" tatawa tawa kung tanong sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siya pero bigla na lang niya akung hinatak kaya napatili ako. Ngayon ay pareho na kaming nakasalampak sa putikan. "Tangina mo Drick!" inis na sabi ko saka pilit na tumayo pero hinahatak lang niya ako pabalik. Sinamaan ko siya ng tingin pero tatawa tawa lang siya. Inirapan ko siya sa sobrang inis. "Elle tingin ka nga saakin" tawag niya saakin. "Ano?!" iritang tanong ko, paglingon ko ay bigla niya akung binato ng putik sa mukha. Napapikit na lang ako, sobrang baho ng putik at sumilid pa sa bibig ko. Pinunasan ko ang putik sa mukha ko at tiningnan siya ng masama. Nginitian ko siya sinyales na naiirita ako sa ginawa niya, habang siya halos mamatay matay na sa pagtawa. "Nakakatawa ba?" sabi ko itinatago ang inis. "Laugh trip talaga Elle" tawang tawa niyang sabi. Ngumiti ako sa kanya at dumakot ng putik at tinapon ko sa mukha niya. Ang kalahati ng putik na napunta sa bibig niya. Kaya ako naman ang tumawa. Sinamaan niya ako ng tingin habang dinudura lahat ng putik sobrang sama na ng mukha niya sa akin. "Gabrielle!" sigaw niya, nanlaki ang mata ko kaya napatakbo na ako, kahit sobrang hirap tumakbo sa putikan ay pinilit ko. Makailang ulit ako nakadapa pero tumakbo lang ako, pagdating ko sa kubo ay naabutan niya ako kaya inipit niya ako sa pagitan ng siko niya at pinahiran ng putik. "Nanay!" sigaw ko, napasimangot ako at tiningnan siya ng masama, nakangisi lang siya saakin habang nakapamewang. Pagdating nila nanay ay naabutan nila kaming nagaaway at nagsisihan ma putik pa din kami. "Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit ang puputik niyo?" tanong ni tatay saamin. Kaya nagsimula na naman kami magturuan. "O siya siya, kumain na lang tayo pagkatapos ay pumunta kayo ng dagat at doon kayo maligo" sabi naman ni nanay kaya naman ay kumain na kami. Pagkatapos ay nagpaalam na kami nila nanay. Naglakad na naman kami sa maputik na palayan. "Elle intayin mo naman ako oh!" sigaw niya. "Magdusa ka!" sigaw ko at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. Pagdating ko ng bahay ay inayos ko ang mga gagamitin ko sa pagligo sa dagat, hinugasan ko muna ang mukha ko dahil maputik. Paglabas ko ng maliit na banyo namin ay pumasok naman si Kedrick sa bahay, nagtama ang paningin namin pero inirapan ko lang siya. Dumiretso ako ng kwarto samantalang siya ay dumiretso ng banyo. Sabay kaming lumabas ng bahay na masama ang tingin sa isat isa. Nagaantay kami ngayon ng trycicle na maghahatid saamin sa may dagat. "Ate Gabby saan po kayo pupunta? Pupunta po ba kayo ng dagat?" tanong ni Sisa. Tumango naman kaming dalawa. "Sumakay na po kayo dito saamin doon din kami pupunta ni tatay." alok niya kaya sumakay kaming dalawa. "Manong Doming ayos lang ba talaga ang putik putik po namin eh" nagaalala kung sabi. "Naku iha ayos lang" sagot naman ni Manong Doming. Tahimik lang kami buong biyahe, hindi kami nagpapansinan ni Kedrick. Masama pa din ang loob ko sa kanya. Nakarating kami ng dagat kaya tumakbo agad ako sa isa sa mga cottage na naroon mga simpleng cottage lang ang naroon, mayroon mga private pero pagmamayari ng mga mayayaman dito saaming lugar. Pagkalagay ko ng gamit sa cottage ay tumakbo na ako papunta sa dagat. Nakita kung seryoso lang na naglakad si Drick palapit saakin, inirapan ko lang siya hindi ko na alam kung ilang beses na ba ako umirap ngayong araw. "Elle magpapakamatay ako kapag hindi mo ako pinansin!" sigaw ni Drick mula sa malayo, nasa malalim na siyang parte ng dagat. "Edi magpakamatay ka" sabi ko naman. Nakipaghabulan na lang ako kay Sisa na naligo din sa dagat. Simula kanina ng lumusong siya sa dagat ay hindi ko siya pinansin. "Hala ate Gabby nalulunod si Kuya Kedrick!" sabi ni Sisa. Kunot noo ko naman nilingon ang kinaroroonan ni Kedrick at nakita ko siyang nalulunod na. Agad kung lumangoy palapit sa kanya at hinatak siya papunta sa dalampasigan. "Sisa anong gagawin ko?" natataranta na ako hindi ko alam ang gagawin. "CPR! CPR tama mouth to mouth mo siya ate Gabby!" natataranta na din si Sisa dahil kami lang tatlo ang nandito. "Ha? Ikaw na lang di ko alam yan!" sabi ko. "Po?! Ikaw na lang po! Basta mouth to mouth niyo lang po siya" sabi ni Sisa habang umiiling. "Dios ko kayo na po ang bahala sa gagawin ko" pagdadasal ko. Ito ang unang beses na may dadampi sa labi ko. Dahan dahan kung inilalapit ang mukha ko kay Kedrick, isang dangkal na lang ang layo ay bigla na lang humagalpak ng tawa si Kedrick. Kaya napalayo kaagad ako. "Naku Elle may pagnanasa ka saakin ha?" tatawa tawa padin niyang sabi. "Gagu ka ba nanakot ka ha!"inis na sabi ko at hinampas siya sa may dibdib, ang tigas hampasin ko kaya ulit. Dahil sa inis ay nagwalk out pero hinabol niya ako at pinigilan na umalis. "Sorry na kasi" anya sabay nguso. "Oo na bitawan mo ko kung ayaw mong masikmuraan!" kunwari ay naiinis. Sobrang rupok ko, kaunting paawa lang ay lumalambot na ako na parang mamon. Umuwi kami ng bahay sakay ulit kami sa trycicle nila Sisa. Pagdating namin ng bahay ay naabutan namin sila nanay na siguro ay kauuwi lang din. Nagmano kaming dalawa sa kanila at nagunahan sa pagpasok ng banyo. "Iho kanina ka pa hinahanap ng lola mo marahil ay pinapauwi ka na" sabi ni tatay kay Kedrick. "Sige po Tito, tita alis na po ako. Sige Elle" paalam niya tumango lang ako na busy sa pagkain. Pagkatapos kung kumain ay nagsaing na ako at inasikaso sila nanay. Habang inaantay ko na maluto ang sinaing ay nilabhan ko ang mga damit ko na naputikan kanina. Pagkaluto ng sinaing ay tinawag ko na sila nanay. "Elle anak nakalimutan pala kitang sabihan diba ang sabi mo saamin ay balak mo magmasteral sa kurso mo. Tumawag kahapon ang tiya mo at sinabing siya na daw ang magpapaaral sayo. Uuwi raw siya ng pilipinas para sunduin ka" kwento ni tatay. "Sa ibang bansa niya po ako papagaralin?" gulat na tanong ko. Tumango naman si tatay. "Pero tatay ang gusto ko po sana ay sa maynila lang o kayay sa kabilang bayan para hindi ako masyadong malayo sainyo" pangangatwiran ko naman. "Maganda ang alok ng tiya mo maganda na din yun maganda ang magaral sa ibang bansa, ayaw mo noon habang nagaaral ka ay nagtatrabaho ka at matutulungan mo pa kami ng inay mo kung iyan lang ang pinoproblema mo" sabi naman ni tatay. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na buntong hininga. "Pagiisipan ko po" sabi ko saka tinapos ang pagkain. Nagpaalam ako sa kanila na magtutungo lang muna ako sa bakuran namin kung saan may maliit na duyan. Kabilugan ng buwan ngayon kaya kay liwanag at ang sarap pagmasdan ng mga palayan na nasa aming likuran. Pinapalibutan ang aming likod bahay ng mga palayan. Hindi ko mawaksi sa isipan ko ang sinabi ni tatay saakin, magandang oportunidad iyun. Maraming mga bangko ang maghahabol saakin kapag nalaman nilang sa ibang bansa ako nagaral ng masteral. Ang iniisip ko lamang ay paano naman sila rito kung iiwan ko sila sino ang maghahatid ng pagkain sa kanila tuwing pupunta sila sa palayan. Wala silang maasahang iba kundi ako lamang dahil nagiisa lamang akung anak. Napabuntong hininga na lamang ako at muling tinanaw ang buwan. Iniisip ko din kapag umalis ako paano si Kedrick? Napatitig ako sa singsing na binigay niya noong dumating siya. Napa ngiti ako tuwing naiisip yung promise namin sa isat isa. "These promise rings express our love for the whole world to see. You wear your ring, and I'll wear mine. They'll remind us we're best friend until the end of time." Best friend. Yun lang kami wala ng magbabago hanggang doon lang kami. Pero ako umaasa ako na magbabago yun. Umaasa na sana ay pareho kami ng nararamdaman. Umaasa na sana ay gusto niya din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD