bc

Last Promise

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Gabrielle is a promdi girl. Simple at mapagmahal na anak si Gabrielle. Namuhay siyang payapa at layo sa anumang g**o. Mayroon siyang kababata na ang pangalan ay Kedrick, matagal na niya itong gusto ngunit hindi niya lang pinapahalata dahil hindi sila bagay. Sapagkat mahirap siya samantalang si Kedrick ay mayaman. Ngunit ang hindi niya alam ay gusto din siya nito? Magkakaaminan kaya ng totoong nararamdaman o panghabangbuhay na lamang nila itong itatago?

chap-preview
Free preview
Episode 01
"Ate Gabby!" Nagmadali akung lumabas ng kwarto dahil sa sigaw ni Sisa. "Ano yun bakit ka ba sumisigaw Sisa?!" kunot noo kung salubong sa kanya. Hinihingal hingal siyang lumapit saakin, kumapit pa siya sa poste ng bahay namin. "Pwede ba muna makahingi ng tubig? Kanina pa ako inuuhaw" sabi niya, napabuntong hininga na lamang ako saka siya inirapan. Pumasok ako ng bahay para kumuha ng tubig sa kusina. Paglabas ko ay binigay ko sa kanya. "Ano ba bakit ka ba tumatakbo?" tanong ko ng matapos siyang uminom. Bumalik ulit sa mukha niya ang pagkakataranta. "Ate may nagsusuntukan kasi doon sa palayan, hindi maawat ng taong bayan!" sabi niya, pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Ano naman ang kinalaman ko kung may magsuntukan doon? Hindi ko naman siguro ikakamatay kung magkamatayan sila doon. "Anong pake ko doon?" kunot noo kung sabi saka umupo malapit sa may pintuan namin. Napanganga na lamang si Sisa sa gulat sa sinabi ko. "Si Adonis at Berto ang nagsusuntukan yung dalawang manliligaw mo!" inis na sabi niya sabay sakin hatak pero saakin patayo pero hinawi ko ang kamay niya. "Edi mabuti na magkamatayan sila wala ng gugulo sa buhay ko" sabi ko saka pumasok ng bahay. Anong pake ko doon sa dalawang yun wala naman ginawa kundi yabangan ako at magpayabangan sa isat isa. Kung sino man manalo sa kanila edi congrats akala naman nila ay sasagutin ko sila. Hello? di kami talo! Mahirap lang ako pero gusto ko naman sa lalaki yung masipag, yung kaya akung ipaglaban hindi yung puro yabang. Patulog na dapat ako pero ito kasing si Sisa ginulo pa ako! Dumiretso ako ng kusina para magsaing hahatiran ko pa si nanay at tatay sa palayan. Makikibalita na din ako kung sino ang nanalo kay Adonis at Berto. Matapos magsaing ay nagluto naman ako ng ulam, saka ko hinanda ang baonan na dadalhin ko sa palayan. Isinilid ko sa basket ang pagkain at nagsuot ako ng bota at salakut saka lumarga papuntang palayan. Medyo maputik yung daan mabuti na lang at mahaba ang suot kung short. Tanaw ko na agad sila nanay na nagtatanim, kumaway lang ako sa kanila saka dumiretso ng kubo. Inilatag ko ang pinggan at ang mga ulam. Wala kaming kubyertos sanay kami sa pagkakamay, hindi din kami nakakain ng hindi sabay sabay kaya dinadalhan ko na lang sila. "Anak nabalitaan mo na ba na nagsuntukan daw si Adonis at Berto iyun bang manliligaw mo?" tanong ni tatay pagkarating sa kubo, hinubad niya ang salakot na suot saka naghugas ng kamay ganun din ang ginawa ni nanay. "Opo tay binalita po saakin ni Sisa, sino po ba ang nanalo?" pabalik kung tanong. "Ang balita ko ay nahospital daw silang dalawa malala raw ang kanilang lagay" sabi ni tatay saka kumuha ng kanin. Sinimulan ko naman ang pagkain, ang ulam namin ay toyo at kamatis na may sibuyas. "Anak balita ko kay Donya Maria na uuwi daw ang kanyang apo na si Kedrick sa susunod na linggo. Iyon bang kababata mo. " kwento ni nanay, nanlaki naman ang mata ko. Uuwi na siya? Matagal na din na hindi kami nagkikita. Minsan ay dalawang taon bago siya umuwi. "Talaga po nanay? Sa tingin ko ay mas gumwapo pa siya lalo" sabi ko sabay tingin sa kawalan at inisip ang mukha niya nung huling uwi niya. Tinawanan naman ako ni nanay at tatay alam kasi nila kung gaano ko kagusto si Kendrick siguro ay noong tumungtong kami ng highschool ay doon ko naramdaman. Tuwing umuuwi siya ay palagi siyang nasa bahay, pinapayagan naman siya ni Donya Maria dahil malapit naman ang aming pamilya sa isat isa. Noong bata pa kami ay sobrang taba niya, tinatawag ko pa siya noon na baboy. Pero noong huli naming kita ay grabe halos hindi ko na siya makilala. Dito kami naghighschool pero noong college na ay nagkahiwalay na kami siya ay namalagi sa maynila ako dito sa probinsya. Umaasa at humihiling kung kailan kaya ulit siya babalik! Pero ngayon ay natupad na ang kahilingan ko. Lumipas ang buong linggo na siya ang laman ng isip ko. Pumapasok ako sa trabaho ay siya pa rin ang laman ng isip ko, hindi mawari sa isip ko na uuwi na siya. Kinwento ko pa kay Sisa na uuwi siya kaya tinukso tukso niya ako. Pero suntok sa buwan ang magkagusto sa isang mayaman. Langit siya samantalang ako ay lupa. Abala ako sa pagtutupi ng mga damit ng umalingawngaw ang sigaw ni Sisa, kahit kailan itong si Sisa ay hindi nawalan ng ibabalita sa akin nagmana talaga siya sa kanyang nanay na chismosa. "Ate Gabby may dumating pong magarang kotse sa harap nila Donya Maria at nakita ko ang isang lalaking ubod ng gwapo. Hinahanap ka niya kaya tumakbo agad ako dito" sabi niya, para akung nabuhusan ng isang malamig na tubig. Tumakbo agad ako papuntang banyo at naligo, hinanap ko ang magandang damit ko at iyun ang sinuot ko. Naglakad ako papunta sa bahay nila Donya Maria na nanginginig ang daming tanong na namumuo sa isip ko. Mas gumwapo kaya siya? Magandahan kaya siya saakin? Ilang beses kung inayos ang damit ko. Pagdating namin sa tapat ng mansion ay may natanawan akung lalaking nakatalikod kausap niya si tatay. "Andiyan na pala ang kanina mo pa hinahanap" sabi ni tatay kaya napalingon agad siya, ngumiti siya saakin. Jusmiyo ang gwapo, kung kami ang magkakatuluyan kahit ilang anak ang gustohin niya ibibigay ko. Ngiti palang nakakabuntis na! Dahan dahan siyang lumapit saakin. Tinaggal niya ang shades niya saka ako sinalubong ng yakap. Dios ko ang bango, amoy maynila. "Grabe mas lalo ka gumanda Elle" nakangiti niyang sabi saka ako pinasadahan ng tingin. Ngumuso lang ako at inirapan siya. "Bolero, ilang babae na ba ang nasabihan mo niyan sa maynila drick?" nakanguso kung sabi. Tumawa lang siya saka pinitik ang tungki ng ilong ko. "Syempre ikaw lang ang nasabihan ko niyan ikaw ang bestfriend ko eh" nakangiting sabi niya at inakbayan ako. Bestfriend? Sakit naman niyan sa ears. Pwede bang Bestfriend with benefits? "Halika may ibibigay ako sayo" sabi niya at hinatak ako papunta sa loob ng mansion, hindi lang ito ang unang beses ko na pumasok sa mansion noong bata kami ay palagi kami dito naglalaro. Noong nandito pa kasi siya ay si nanay ang kanyang yaya kaya palagi akung nandito. Pagdating namin sa kwarto niya ay kinuha niya ang isang maletang itim. Nasa gilid lamang ako at tinitigan ang kanyang ginagawa, inilibot ko na din ang paningin ko marami kasi ang nagbago sa kwarto niya dati ay kulay peach ang kwarto niya ngayon ay itim na. "Elle dali upo ka!" sabi niya saka hinatak ako paupo. Masakit ah! Iuntog ko kaya ulo nito para malaman niya na nasaktan ako. "Ano yan?!" tanong ko habang nakaturo sa isang color red na box maliit lang siya. Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo. Pero ngumiti lang siya, isang ngiti pa buntis na ako nito. Binuksan niya iyun at tumambad saakin ang dalawang bracelet na sa tingin ko ay mamahalin. "This is a promise ring, for nth time can we make a promise?" nakangiti niyang sabi. Kahit naguguluhan ay tumango lang ako. Kinuha niya ang singsing at binigay niya saakin. Ako daw ang magsusuot sa kanya at siya naman ang magsusuot saakin ng hawak niya. "Ikaw muna nakakahiya!" sabi ko tumawa lang siya saka pinitik ang noo ko, ngumuso lang ako sa kanya. Humugot siya ng Malawi na bumtong hininga saka niya ako tintigan ng diretso sa mata. "These promise rings express our love for the whole world to see. You wear your ring, and I'll wear mine. They'll remind us we're best friend until the end of time." sabi niya saka sinuot saakin ang sing sing na simbolo ng pagkakaibigan namin. Ngumiti naman ako at tinitigan yun. "Ikaw na!" "Actually hindi ko alam ang sasabihin sayo. This promise ring is always be the symbol of our friendship. No matter what happen. Paghiwalayin man tayo ng tadhana ay ikaw pa rin ang bestfriend ko. Magkaasawa man ako ay ikaw pa din ang pipiliin ko, di charot basta yun" sabi ko saka tatawa tawa na sinuot ang singsing sa kamay niya. "I miss you Drick!" tili ko saka siya niyakap ng mahigpit. Tatawa tawa lang siya habang yakap ko siya. "I miss you too Gabrielle"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
354.1K
bc

A Night With My Professor

read
533.8K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
566.8K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook