Sydney Ortiz Napako ang mga tingin ko sa kanya kasabay nang tuluyang paglaho ng mga ngiti sa aking mga labi. Lalo pang tumindi ang kirot na nararamdaman ko sa aking dibdib nang nakangiting humawak at pumulupot sa kanyang braso ang magandang babae na kasama niya. “Shocks. When did that woman come back?” narinig ko naman na bulong ni Lory sa aking tabi. Huminto sa paglalakad si Sir Ethan at kasabay niyang tumigil din sa paglalakad ang babaeng nakapulupot sa kanya. Mataman lamang itong nakatingin sa akin na para bang may malalim na iniisip. “Guys!” Narinig kong tawag ni Rica at naramdaman ko ang paglapit niya sa amin, ngunit sa kabila no’n ay nanatili lamang ang mga tingin namin ni Sir Ethan sa isa’t isa. Hindi kami kapwa nag-abala na lumingon sa aming paligid. “Happy birthday, Rica. Nap

