Sydney Ortiz Tahimik kaming bumalik sa loob ng sasakyan ni Sir Ethan habang pigil-pigil ko naman ang mga luha ko. Nabigla ako sa pangyayari kanina at hindi ko inaasahan na mapapahamak pa si Sir Ethan nang dahil lamang sa akin. Isa pa, nakita ko kung gaano siya kagalit sa lalaking iyon na deserve lang namang makatanggap ng suntok. Sa pagkabigla ko din talaga kanina ay wala na akong ibang nagawa kung ‘di ang mapahawak na lamang ng mahigpit kay Sir Ethan. Sinisikap na mapigilan siya sa galit niya. Bahagya ko siyang nilingon sa aking tabi na ngayon ay seryoso at tahimik lamang na nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Nararamdaman ko pa rin sa awra niya ang galit niya dahil sa nangyari kanina. Napayuko ako. “S-Sorry,” mahinang usal ko sa kanya. Narinig ko ang paghigit niya ng malalim na paghing

