Sydney Ortiz “How about studying?” tanong ni Sir Ethan sa akin na mabilis kong ikinalingon sa kanya. “Huh?” gulat na tanong ko naman sa kanya. “Naisip ko lang na baka gusto mong ituloy ang pag-aaral mo. Mas mabuti iyon kaysa ipilit mo sa akin na babalik ka sa pagtatrabaho as a housekeeper sa Blue Prime Hotel,” saad niya habang deretsyo ang kanyang tingin sa daan na tinatahak namin. Kasulukuyan kaming nasa sasakyan niya at bumabiyahe patungo sa bahay namin. Bago siya pumasok sa trabaho ay ininsist niya na ihahatid na muna niya ako sa bahay. Limang araw ang matulin na lumipas mula nang gabi na may nangyari sa amin. At magmula noon ay nagsimula na ngang unti-unting magbago ang pakikitungo niya sa akin. Ayaw na nito na tawagin ko siyang ‘Sir,’ bagay na nahihirapan pa talaga akong i-adjust

