Sydney Ortiz “May naiisip ka na bang kurso na gusto mo?” nakangiting tanong sa akin ni Rica habang nasa loob kami ng sasakyan nito at kasulukuyang bumabiyahe patungo sa university na pag-eenrollan ko. “Uhm… sa totoo lang, wala pa akong naiisip. Biglaan lang kasi talaga ang bagay na ito kaya hindi ko pa mapag-isipan ng mabuti,” tugon ko sa kanya. Lalong lumapad ang ngiti nito habang deretsyo pa rin ang tingin sa harapan namin. “Hmm… si Ethan ba ang nagsabi na mag-enroll ka?” tanong niya na marahan ko namang tinanguan. “I see…” saad niya pa. Pagkatapos no’n ay nanatili na ulit akong tahimik at hindi na nagsalita pa. Hindi naman sa hindi ako komportable na kasama si Rica. Actually, sa kanya ako pinaka nababaitan sa mga nakilala kong kaibigan ni Sir Ethan. Pero, hindi lang ako confident n

