Sydney Ortiz Humihingi ng permiso ang mga labi ni Ethan na pagbigyan ko ito hanggang sa tugunan ko na nga ang bawat paghalik niya sa akin. Banayad at puno ng pag-iingat ang bawat paghalik niya na iyon hanggang sa unti-unti na itong lumalim. Na tila ba naging uhaw at mapaghanap ang bawat pagsakop niya sa mga labi ko hanggang sa naramdaman ko na lamang ang paglapat ng likuran ko sa pintuan ng opisina niya. Inabot niya ang doorknob saka iyon ini-lock habang patuloy pa rin akong hinahalikan. “I’ve wanted you all day,” bulong niya sa tapat ng mga labi ko nang sandali niya itong pakawalan. At sa isang iglap ay mabilis niya akong muling hinalikan at dinala patungo sa kanyang office table. Nagsimula na ding gumala ang mga kamay niya sa aking katawan at ang mga labi niya pababa sa aking leeg. At

