Sydney Ortiz Apat na araw ang matulin na lumipas pagkatapos nang araw na ipinakilala ako ni Ethan sa Daddy niya—kay Chairman Emman. Noong una, hindi pa ako agad makapaniwala na walang pagtutol ang Daddy niya sa relasyon namin sa kabila ng mga nalaman nito tungkol sa akin. At tila ipinapakita lamang ni Chairman ang suporta at tiwala nito kay Ethan, bagay na siyang mas nagbibigay ng motibasyon sa akin para magsumikap sa buhay. Mas lalo ko tuloy gustong pagbutihan ang pag-aaral ko at ang pagtatrabaho ko upang mas maraming bagay pa akong matutunan. Dahil tama si Chairman Emman sa sinabi nito sa akin, na hindi sapat na mahal ko lamang si Ethan, na kailangan ko ding matutunan na ipaglaban siya kung paano niya ipinapakita sa lahat ang pagmamahal sa akin. Akala ko noon, sa mga palabas lang sa t

