Sydney Ortiz “You okay?” Napakislot ako nang magsalita si Ethan sa tabi ko kasabay nang marahang paghawak niya sa hita ko. “H-Huh?” “Bigla ka kasing natahimik diyan. What’s wrong?” alalang tanong niya sa akin. Nagpatikhim ako bago sumagot sa kanya. “Uhm… w-wala naman. I-Iniisip ko lang kung saan tayo pupunta ngayon,” pagdadahilan ko na lamang sa kanya kahit pa ang totoo ay kanina ko pa iniisip kung sino ang nagpadala sa akin ng text message na iyon at kung sino ba ang tinutukoy niya doon. Ngumiti si Ethan sa akin saka siya bumalin muli sa kanyang harapan habang patuloy na nagmamaneho. “You will see later, Sweetie. Malapit na din tayo,” tugon niya sa akin. Marahan na lamang akong napatango sa kanya at pagkuwan ay muli kong ibinalin ang atensyon ko sa cellphone ko. Ang mga text message

