Sydney Ortiz “Oh, Anak, nandyan ka na pala,” bati sa akin ni Inay pagkapasok ko sa loob ng bahay. Masaya akong nagmano at humalik sa kanya habang tila may kung anong tinatanaw ito sa labas. “Hinatid ka ni Joel? Nasaan na siya? Bakit hindi muna dumaan dito?” sunod-sunod na tanong ni Inay sa akin. Alam niya nga palang umalis ako kasama si Joel kanina. “Uhm… hindi niya na po ako hinatid. May… iba pa po kasi siyang… pinuntahan…” nauutal na pagsisinungaling ko kay Inay. Si Ethan naman na kasi ang naghatid sa akin pauwi. Ayaw niya pa nga sana na umuwi ako sa bahay pero nagbago din ang isip niya at bilang respeto daw kay Inay ay iuuwi na lang daw niya ako dito. “Ah ganoon ba? Sayang naman at binilhan ko kasi siya ng cake,” dismayadong sabi ni Inay habang ipinapakita sa akin ang maliit na box n

