Sydney Ortiz Malalim na humigit ng paghinga si Ms. Leticia habang mataman na pinagmamasdan ako. “I’m sorry, Sydney, pero… wala akong maitutulong sa iyo kung ‘di ito lang,” malumanay na sabi sa akin ni Ms. Leticia habang may iniaabot itong sobre. Marahan ko naman iyong tinanggap at sinilip ang halaga no’n, limang libong piso. “Kung gusto mo, pwede naman tayong humingi ng tulong para makakuha ka ng emergency financial assistance dito sa Blue Prime Hotel pero… isang araw pa ang hihintayin para maaprubahan iyon. At kinakailangan mong magpasa ng mga requirements para ma-avail iyon. At sa kaso mo kasi bilang new hire ka pa lang, maliit lang ang halagang makukuha mo kumpara sa halagang kailangan mo para sa operasyon ng Nanay mo.” Tama si Ms. Leticia. Kukulangin lang din ang halagang makukuha k

