Chapter 31: Struggle

3206 Words

Sydney Ortiz Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. “Gaano ka naman nakakasiguro diyan sa sinasabi mo?” tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya sa akin saka siya ngumisi. “Iyon lang ‘yong nafe-feel ko eh. Gusto mo ng pustahan?” Ibang klase din pala itong lalaking ito. ‘Yong way ng pakikipag-usap niya sa akin ay para bang close na close kaming dalawa. Naghamon pa ng pustahan. Napailing na lamang ako ng maliit saka napasinghap. “Ano? Ayaw mo ng pustahan?” tanong niya pa ulit sa akin. “Pakihinto mo na ito, bababa na ako,” sabi ko na lamang sa kanya. Nagpalinga-linga naman siya sa kalsadang tinatahak namin. “Dito ka nakatira?” “Hindi mo na kailangang malaman kung saan ako nakatira. Pwede mo na akong ibaba dito—” “Pero iyon ang utos sa akin ng boss ko,” putol niya sa akin. Talagang wal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD