Chapter 71: Unexpected Confession

3028 Words

Sydney Ortiz “Oh, Anak, akala ko mamayang hapon ka pa uuwi?” tanong ni Inay nang makita niya akong umuwi sa bahay. Mabilis niya akong nilapitan at sinalubong. “Uhm… m-medyo masama po kasi ang pakiramdam ko, Inay. Kaya umuwi na po muna ako,” marahang tugon ko saka ako maliit na ngumiti sa kanya. “Ay ganoon ba? Eh bakit, Anak? Anong masakit sa iyo?” nag-aalalang tanong niya habang iginigiya niya ako patungo sa maliit na sala ng bahay namin at paupo sa upuan. Hinipo niya pa ng likod ng palad niya ang noo at ang leeg ko, na tila pinakikiramdaman ang temperatura ng aking katawan. “Wala naman po, Inay. Medyo mabigat lang po ang pakiramdam ko at pagod po ako,” tugon ko sa kanya saka niya ako masuyong hinagkan. “Naku naman, Anak. Ang sabi ko naman kasi sa iyo magpahinga ka kapag hindi mo na k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD