Sydney Ortiz Mainam kong pinagmamasdan ang ibinigay sa akin ni Ethan na tweety bird stuff toy habang may mga naglalarong ngiti sa aking mga labi. Ito ang pangalawang bagay na ibinigay niya sa akin. Una kasi ‘yong bracelet na palagi kong suot at hindi ko inaalis sa akin. “You happy with that?” tanong ni Ethan sa akin nang mapansin niya ang mga ngiti sa labi ko na kaninang-kanina pa at hindi nawawala. Marahan akong tumango sa kanya bilang pagtugon. Ngumiti din naman siya sa akin saka siya bumalin sa daan na tinatahak namin. Kasulukuyan na kasi kaming bumabiyahe pauwi sa bahay. “Then, you should take care of that,” sabi niya pa. Alam kong simpleng bagay lang ito pero kakaibang saya talaga ang nararamdaman ng puso ko ngayon. Pagkatapos niyang makuha ang tweety bird stuff toy na ito kanina,

