Chapter 64: Tweety Bird

3030 Words

Sydney Ortiz Malakas ang bawat pagkabog ng dibdib ko habang patuloy akong humahakbang papasok sa malaking gate ng school na papasukan ko. Ito ang unang araw ng pagpasok ko ngayon at kahit na ilang beses ko nang kinondisyon ang sarili ko upang maalis ang takot at kaba sa akin, ay hindi ko pa rin iyon maiwasan. Ilang taon na din kasi mula nang matigil ako sa pag-aaral at iyon ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Kaya ko pa kaya talagang mag-aral? Paano kung hindi ako kaagad makasabay? Paano kung mahirapan na ako? Napahinto ako sa paglalakad saka ako sunod-sunod na napailing. Kaya ko ito. Isa pa ay isa ito sa mga pangarap ko kaya lulubusin ko na habang mayroon akong pagkakataon. Wala akong kailangang sayangin sa mga pagkakataon na dumarating para sa akin. Humigit ako ng malalim na paghin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD