Warning: SPG! Sydney Ortiz Madilim na ngunit wala pa rin si Sir Ethan. Habang hawak ko ang cellphone ko at paulit-ulit na tinitingnan iyon, ay matiyaga akong naghihintay sa pagdating niya sa labas ng bahay niya. Kanina pa ako naghihintay sa kanya o kahit sa tawag o text message man lang niya. Pasado alas otso na ng gabi ngunit wala pa ding bakas niya. Abala at nakikipagsayahan pa siguro ito sa mga kaibigan niya. Ilang sandali at oras pa ang lumipas ngunit wala pa rin siya. Hindi na din ako nakakain ng dinner dahil sa paghihintay ko sa kanya. Mukhang masasayang lang ang niluto kong hapunan sana namin. Nanunuyot sa balat ko ang lamig na dulot ng paghampas ng hangin sa labas, kaya sa huli ay minabuti ko na lang na pumasok sa loob ng bahay niya at doon maghintay. Naupo ako sa sala habang h

