Sydney Ortiz Itinigil ni Sir Ethan ang sasakyan sa tapat ng mall. Tahimik naman akong bumaba sa sasakyan niya at sinundan siyang pumasok sa loob. “Where do you want to eat?” balin sa akin ni Sir Ethan nang huminto ito sa paglalakad. Akmang ibubuka ko sana ang mga labi ko upang makapagsalita nang bigla namang may isang babae ang lumapit at tumawag kay Sir Ethan. Natigilan ako dahil doon. Siya na naman? “Ethan?” “Lory…” balin ni Sir Ethan sa babae. Lory pala ang pangalan niya. “What are you doing here?” tanong pa ni Sir Ethan sa babaeng tinawag niyang Lory. “I’m with Rica. Nagpa-park lang siya ng sasakyan niya.” nakangiting tugon ng babae kay Sir Ethan. “I see…” komento naman ni Sir Ethan. “How about you? Nag-lunch ka na ba? Gusto mong sumama sa amin?” maarteng sunod-sunod na tanong

