Sydney Ortiz Mabilis akong nagtipa ng mensaheng ire-reply ko kay Sir Ethan. To Sir Ethan: Ngayon na po ba talaga? Nakagat ko ang ibabang labi ko. Alam kong wala akong karapatan para magreklamo sa kanya. Isa pa ay ilang araw niya din akong hindi pinagtrabaho sa kanya. Wala pang ilang segundo ay kaagad na muling nag-vibrate ang cellphone ko dahil sa reply niya sa akin. From Sir Ethan: You know that I hate repeating myself. Napahinto ako sa paglalakad habang nakatitig ako sa cellphone ko at pagkuwan ay napahinto din naman sa paglalakad ang tatlong kasama ko at sabay-sabay na binalinan ako ng tingin. “Bakit? May problema ba?” tanong sa akin ni Ivy. Nag-angat ako ng tingin sa kanila. “Uhm… p-pasensya na, guys. Bigla kasing nag-text sa akin si Sir Ethan. Pinapupunta niya ako sa kanila. M

