Ethan Vego “Si Sydney Ortiz po ay isang housekeeper. At sinasamantala niya ang kabaitan sa kanya ni Sir George noong nabubuhay pa po si Sir George. May mga naging usap-usapan din po na… pineperahan lang ni Sydney si Sir George at ilang beses na pinaasa.” Malinaw na bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ng isa sa mga housekeeper ng hotel na nakakakilala kay Sydney. At malinaw na malinaw din naman sa isipan ko ang dahilan kung bakit ko siya binili noon sa night club. Iyon ay upang mapaghigantihan siya. Isa-isa kong binalikan ang mga dahilan kung bakit ko siya tinulungan at pinakitaan ng kabutihan. Iyon ay upang paghigantihan lamang siya. Bukod doon ay wala ng ibang rason. Kaya hindi dapat ako magpaapekto sa kung ano mang nararamdaman ko. Hindi din dapat ako makaramdam ng guilt kun

