Chapter 80: Preparation

3363 Words

Sydney Ortiz “Ano pa kaya ang kulang? Sa tingin mo, Anak, ano pa ang pwede nating maidagdag?” tila sunod-sunod at natatarantang tanong ni Inay sa akin habang paikot-ikot ito sa kusina dahil sa pagiging abala sa paghahanda ng mga pagkain na kaninang umaga niya pang inumpisahan na iluto at ihanda. Sa dami ng iba’t ibang putaheng niluto ni Inay ay aakalain mong may malaking celebration na gaganapin mamaya na imbitado ang mga kapitbahay. “Inay, pwede po bang kumalma lang po kayo? Pati po tuloy ako ay natataranta sa inyo,” saad ko rito habang malalakas ang bawat pagkabog ng dibdib ko. “Eh kasi naman, Anak. Binibigla n’yo ako ng boyfriend mo. Bakit naman kasi naisipan ninyong dalhin sa araw na ito dito sa bahay ang daddy niya?” Boyfriend ko—ang sarap lang pakinggan. Sa totoo lang, si Ethan a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD