Sydney Ortiz Dilat pa ang aking mga mata nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Inabot ko iyon at pinatay. Dahil sa nangyari kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos. Buong magdamag kong inisip ang posibilidad na galit sa akin si Sir Ethan dahil sa ginawa kong pagtanggi kagabi sa kagustuhan niya. Alam kong hindi ko dapat tinutulan ang bagay na iyon, dahil in the first place ay alam ko naman kung ano ang ibig sabihin kapag nabili na ako mula sa night club na pinanggalingan ko. Masuwerte pa nga ako dahil si Sir Ethan ang bumili sa akin. Mabait siya at naging maayos ang pakikitungo niya sa akin. Pero masyado ko yatang inabuso iyon at nagawa ko siyang tanggihan kahit pa dapat ay wala naman akong karapatan. Kaya naman magdamag akong nag-isip ng sasabihin na paumanhin sa kanya. Bumangon ako

