Sydney Ortiz Pigil-pigil ko ang mga luha ko habang maingat naman akong inaayusan ng dalawang babae sa isang kwarto. “Ilang taon ka na nga ulit, Ija?” tanong ng isang babae na siyang naglalagay ng makeup sa mukha ko. “Twenty-two,” walang buhay na tugon ko rito habang nakatitig lamang ako sa salamin at mainam na pinagmamasdan ang aking sarili doon. “Batang-bata ka ah. May naging nobyo ka na ba?” tanong muli ng babae sa akin. “W-Wala pa,” mahinang pagtugon ko rito. Bahagya siyang tumigil sa paglalagay niya ng blush on sa aking mukha. “Wala ka pang nagiging nobyo? Pero… may karanasan ka na ba sa… alam mo na.” Marahan akong yumuko. “W-Wala. Wala pa,” tugon kong muli dito. Sandaling natahimik ang babae at nang tingnan ko siya sa salamin na nasa harapan namin ay nakita ko ang pagdaan ng a

