Sydney Ortiz “Ate Sydney, talaga po ba? Hindi na tayo pupuntahan ngayon ni Aling Leti dito sa bahay natin? Hindi na po siya manggugulo sa atin?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Sandra. Nakangiti ko siyang hinawakan sa kanyang ulo saka sinagot. “Oo, hindi na. Hindi na siya manggugulo sa atin kahit na kailan.” “Ibig sabihin po ba no’n, Ate, wala na tayong utang sa kanya? Hindi na po niya kukunin itong bahay natin?” manghang tanong naman sa akin ni Seven habang nagsusuot ito ng kanyang sapatos na gagamitin sa pagpasok sa eskwela. “Oo, Seven. Wala nang kukuha ng bahay natin dahil sa atin na ulit ito,” nakangiting sagot ko kay Seven. “Yes!” masayang sambit niya na siyang ikinatawa ko ng mahina. “O siya, bilisan niyo nang kumilos at baka mahuli kayo sa inyong klase,” pagmamadali ko sa dal

