Sydney Ortiz Maingat kong ibinaba ang balabal na nakatakip sa may ulo ko at maingat ko ring inalis ang shades na suot-suot ko. Saka ko malayang pinagmasdan ang maganda at ang mga nakangiting larawan ni George sa tabi ng kanyang lapida. Pagka-out ko sa trabaho kanina ay mabilis na akong dumeretsyo dito sa Heaven’s Park Cemetery kung saan dinala at inilibing ang mga labi ni George kaninang alas kwatro ng hapon. Madilim na ngayon at wala na ding mga tao. Kaya naman malaya na akong nakalapit sa puntod ni George. Maliit akong napangiti habang pinagmamasdan ko ang mga larawan ni George sa harapan ko kung saan ay gwapo siyang nakangiti. Ito ‘yong mga ngiti niyang mula nang makilala ko siya ay palagi na niyang ipinapakita sa akin. Mga ngiti niyang hindi niya ipinagdadamot sa akin. Mga ngiti niy

